Prologue

746 14 7
                                        

SAVE ME

PROLOGUE

"How well do you know yourself?"

That was the last question I remembered when I took our exam. Hindi ko alam kung ano kinalaman noon sa subject namin pero heck, wala akong sinagot. I leave it blank. Sumakit na nga ang ulo ko sa pag-alala ng mga sagot, sumabay pa yang tanong na yan.

Pero, gaano ko nga ba kakilala ang sarili ko?

"Eli!" hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino ang tumawag sakin. Huminto lang ako sa paglalakad para hintayin sila.

"Uso lumingon!" Sabi ni Ara habang hawak ang kanyang phone na may naka on-going call na may pangalang 'babe'.

"Oo nga, Eli. Galaw galaw din!" tumabi naman sa kabila ko si Paige. Napailing na lang ako sa kaingayan nilang dalawa. Halos lahat ng studyante dito sa hallway napapalingon samin dahil sa agaw pansin at makabasag eardrums na mga boses nila.

Hindi ako kumibo at nagpatuloy na sa paglalakad para makauwi na. Ngayon ang last day ng finals namin. Meaning malapit na ang bakasyon, wala rin naman akong balak umattend sa year-end ball na sinasabi nila. Ginagawa nila yun para sa mga graduating students na katulad ko. Dibale sana kung pagkatapos kong umattend doon eh, sigurado na makakagraduate ako. Naka base parin sa results ng finals kung makakagraduate ba ako o hindi.

"Eli, uuwi ka na ba?" tanong sakin ni Paige, nakasunod parin pala sila sakin.

"Oo," tipid kong sagot. Sabi nila friends kami. They treat me as their friend, but I am not. I don't need a friend. I need to restrain myself from everyone. They are my classmates since junior, pero dahil naging seatmates ko sila ngayong senior high, they say na we should be friends. They're both nosy.. and loud. Samantalang ako, tahimik at mas prefer kong tumambay sa kwarto ko kesa gumala. Unlike them, kada uwian ata ay gumagala.

"Last day ng finals ngayon! We should celebrate and give ourselves a break. Sama ka naman samin sa coffee shop! Last week pa ang last sama mo sa amin eh." Nilingon ko si Ara, and as expected naka pout na siya sa harap ko para magpaawa na sumama na ako sakanila.

Palagi nila akong inaaya pag gumagala sila, and I always reject the offer. Minsan nga lang ata ako sumama sakanila. Pinipilit nila ako hanggang sa labas ng gate ng University.

"Eliii dali naaa. Around University belt lang I promise! and, ililibre ka namin kung kinakailangan sumama ka lang." I sighed. Alam kong hindi sila titigil hangga't di ako pumapayag, kaya in the end sumama na lang ako wala na rin naman akong gagawin.

"Alright, but I will only stay until 8." Hindi ako pwedeng lumabas pag gabi. Halos magtatalon naman sila sa tuwa kaya napailing na lang ako.

We started walking papunta sa coffee shop na sinasabi nila. It's already 5:00 o'clock kaya hindi ganoon kainit. Bihira lang ako gumala dito sa university belt kahit na nandito lang din naman sa loob ang apartment na tinutuluyan ko ngayon. Halos maumay ako sa pagtingin sa paligid. Magkakatabi halos ang mga coffee shops, mga tambayan ng mga studyante pag uwian, and ang mga apartments and dorms.

After 15 minutes of walking, narating namin ang coffee shop na sinasabi nila.

Cafe Poblacion

The ambiance of the cafe was a bit gloomy, dahil na rin siguro dim ang light sa loob. May mga maliliit na frame na nakasabit sa pader na naglalaman ng iba't ibang quotation. There was a chandelier in the middle of the ceiling. The place was good for relaxing, hindi rin ganoon kaingay sa loob. Siguro dahil onti na lang rin ang tao, wala na masyadong gumagawa ng mga thesis, reports and the like dahil bakasyon na.

Save Me (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon