"I'll see you later." Hinatid ako ni Zach pabalik sa mesa namin. Hindi ako makatingin sakaniya kaya tumango na lang ako. Nang maramdaman kong umalis na siya sa tabi ko, para akong nakahing ng maluwag.
"OMG!! Ang galing nyo, Eli! Nakakakilig kayo panoorin!" Nanatili sa harapan ang tingin ko. Ni hindi ako makagalaw.
Kanina pa tapos ang sayaw, pero pinapanood pa rin ako ng ibang studyante. Ang iba pasimple lang sa pagsulyap, ang iba naman lantaran.
Umayos lang ako nang marinig ang announcement ng MC. Magsisimula na ang dance competition. Pinakilala ang mga judges. Ang isa sakanila ay dance instructor ng school namin, ang isa ay dance mentor mula sa isang sikat na talent school sa manila, ang isang ang president ng school at ang isa...
"And the last but not the least, please welcome the CEO of 2F Company, Mr. Zachary Flores! Please give him a warm round of applause." Nagpalakpakan ang mga studyante. May iba pa akong narinig na kinikilig sa paligid.
"Ang gwapo! Ang swerte ni Eloise!"
Halos mapairap ako dahil sa narinig. Gusto ko sanang lingunin ang nagsabi noon, pero pigilan ko ang sarili ko. Hindi dapat ako affected.
Naupo ang apat na judges. Nakatalikod ito sa amin at nakaharap sa stage, kung saan magpeperform ang mga contestant.
Naglakat sa paligid ang mga school photographer. Lumapit sa amin ang isa, at kinuhaan ng litrato ang mesa namin. Napilitan akong ngumiti.
Tumahimik ang lahat ng magsalita muli ang MC. Sinabi nito ang criteria for judging at sinabing magsisimula ang competition ss loob ng limang minuto.
Dahil wala pa naman, chineck ko ang phone ko. Nakita kong may isang text doon si Mommy at ang isa ay galing kay Zach. Nilingon ko siya sa harapan at nakita itong nakikipag-usap sa president ng school namin.
Mommy:
Nagkaroon ng emergency sa site, sweetie. I'm sorry hindi kami nakauwi ng maaga. Take care and enjoy, alright?Ngumiti ako ng mapait. Hindi ko na siya nireplyan. Isang beses ko pang nilingon si Zach bago buksan ang mensahe niya.
Zach:
I'll drive you later. Please wait for me.Nagreply ako.
Eloise:
No need. Hindi ako sa QC uuwi.Tinago ko ang phone nang makitang tumayo na ulit ang MC.
"The dance competition, will officially start now!" Naghiyawan ang mga tao. Nakita kong pumapalakpak sila Paige kaya napilitan din akong pumalakpak. Nagsayaw ang mga neon lights kasabay ng malakas na musika.
"Please welcome, our first group of contender, Beatz Crew! Please give them a round of applause." Nagpalakpakan at hiyawan ang mga tao. Magkahalong itim at puti ang mga damit nila. Halong babae at lalaki rin, siguro ay nasa 10-15 na katao ang kasali sa grupo na ito.
Simula pa lang ng music ay alam ko ng Hip-Hop ang genre ng sasayawin nila. Seryoso akong nanood, siguro kung may makakakita sa akin ay aakaling isa rin akong judge.
Hindi maipagkakailang magaling ang grupo nila, energetic sila at talagang maangas ang mga dating at galaw. May ilan sa kanilang gumagawa ng stunts at mayroon ding nagb-backflip. Tinapos nila ang sayaw sa pamamagitan ng maangas na pose. Nakita kong tumango tango ang ilang judges at pumalakpak ng mga tao. Pumalakpak din ako. Buti na lang may ganito, maeenjoy ko rin.
"Wow! That was amazing! Once again, Beatz Crew! Thank you very much for the amazing performance," nagpalakpakan ulit. "Are you ready for the next contenders?" Tinapat ng MC ang mic sa mga tao.
