7

20 4 1
                                    

That jerk.

Sobrang kapal ng mukha!

I'm not asking for your permission, Eloise Liana.

He's not asking for my permission? Paladesisyon lang siya? Napahawak ako sa ulo ko. Bakit ba nag-krus na naman ang landas namin?

Ilang minuto pa ako nanatili sa kwarto ko para pakalmahin ang sarili bago lumabas.

Paglabas ko, nakita kong nanood sila sa netflix at nginunguya na nga chocolate na padala ni Zach. Mabuti pang ubusin na lang nila, itatapon ko lang din yang mga yan.

"Oh, Eli? Kumuha lang kami ng ilang piraso hehe." Tumango naman ako at tinuloy na ang niluluto.

"Okay lang. Kainin niyo lang, if you want mag-uwi na rin kayo. Hindi ko naman kakainin yan." Nagtataka nama nila akong tinignan.

"Bakit naman?" Tanong ni Ara. "Nililigawan ka ni Kuya Zachary?" nilingon ko sila bago nagpatuloy sa ginagawa.

"Hindi." Deny ko.

Their faces says na hindi sila naniniwala sa sinabi ko.

"Sus. Eli, wag mo na ideny sa amin, okay lang naman! Support ka pa namin." halos mapunit ang mukha ko sa sinabi nila. Support? The hell.

"Hell, no. Wala akong gusto sakanya." I said with so much disgust.

Natawa naman sila sa sinabi ko, "NBSB ata to si Eli eh!" Tawa ni Paige.

Napalingon naman si Ara sa akin, nawala ng sandali ang ngiti niya pero nang makita niya akong nakatingin sakaniya, ngumiti siya ulit. Gaano karami ang alam mo, Ara?

Umiling na lang ako at ngumiti ng tipid.

"Grabe! Ang sarap nito, Eli! Pwede ka na mag-asawa!" Exaggerated na sabi ni Ara.

We're now eating. Sa itsura pa lang nila, halatang sarap na sarap sila sa niluto ko.

"Asawa agad? Sagutin mo muna si Kuya Zach!" bigla naman akong naubo sa sinabi ni Paige.

"Hala! Tubig! Tubig! Gaga ka talagang bruha ka!" Natarantang kumuha ng tubig si Paige. Uminom naman kaagad ako pagkabigay niya nito sakin.

Huminga ako ng malalim.

"Sorry! Hindi ko naman alam na nakakasamid pala ang pangalan ni Kuya Zach!" Sabi niya habang natatawa. Inabutan niya ako ng tissue. Napailing na lang ako at natawa rin ng bahagya.

Ara voluteered to wash the dishes, hinayaan ko na lang. While Paige is busy browsing Netflix for movies, kinuha ko ang bulaklak, lalapit na sana ako sa basurahan para itapon ito pero napaisip ko. Parang sayang naman.

Bumuntong hininga ako at kinuha ang mga vases na pwedeng paglagyan.

Roses is not my favorite flower.

"Good morning, beautiful! Happy monthsary!!" Umagang-umaga at bumungad sa mukha ko ang kumpol ng yellow tulips pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko.

Nanlaki naman ang mata ko sa nakita. Kinuha ko ito kay Travis na nakangiti ngayon sa akin. I smiled.

"How did you know that tulips is my favorite?!" I almost exclaimed because of excitement. Niyakap ko siya.

Sa totoo lang, hindi ganitong Travis ang nakilala ko. I never knew that he can be sweet and caring like this. I always find him serious and cold back then. Pero may tinatago rin palang asukal sa katawan.

Well, he is indeed serious and cold sa ibang tao. Pero pag dating sa akin, laging nakangiti, nakatawa, malambing.

"You know, I find ways." Kininditan niya pa ako. Inirapan ko naman siya ng pabiro.

Save Me (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon