5

22 4 3
                                    

2 years ago, I swore to myself to be alone for the rest of my life. Malayo sa ibang tao, malayong makasakit ng iba. Hindi ko nakita ang sarili ko na magkaroon ulit ng kaibigan, o maging malapit ulit sa ibang tao.

"Oh my god, Eli!! You came!" halatang halata sa dalawa na masaya sila nang makita nila akong sumipot sa usapan namin para ngayong biyernes.

Napagdesisyon nila na magkita-kita kami ngayon sa isang retro diner dito sa Makati. Bago lang ata 'to. Hindi ganoon kadami ang tao, malawak din naman ang lugar.

Merong bar counter sa loob ng diner, sofa na may stripe design ang karamihang upuan dito. Meron ding table para sa dalawang tao lang, meron ding table na parang bumper ng sasakyan ang disenyo. May ilang claw machine sa gilid. Mix of purple and pink and neon lights na gamit, may mga nakadisplay na vinyl at plate numbers.

"Dito tayo! Order kana, Eli! First time mo lang ba rito?" inabot sakin ni Paige ang menu.

Tumango naman ako. Sinulyan ko ang menu. The diner have it all, merong american breakfast, waffle and toast, steak, burger, pizza, pasta, rice meals, different kind of drinks and name it all. Tinitignan ko pa lang ang menu parang nabubusog na ako.

"Umorder ako ng pizza para satin! Order ka na lang ng pang sarili mo," Ara said.

Nagtawag ako ng waiter at sinabi ang order ko.

"Umiinom kaba, Eli?" tila naging demonyo sa pandinig ko ang boses ni Ara ng sabihin niya yon. Tumawa naman si Paige.

"Ara, ano ka ba! Wag ka ngang bad influence kay Eli." Pabiro pa nitong sinabunutan si Ara.

"Hoy, nagtatanong lang ako! Saka hindi naman inom na pang bar ang tinutukoy ko. Meron kasing mga cocktails din dito, baka lang gusto niyo itry." nag taas baba pa ang kilay samin ni Ara kaya di ko naiwasang di mapangiti.

"Oh! Ngumiti ka! Bagay sayo pag nakasmile, Eli. Ang ganda mo!" mabilis ko namang binawi ang ngiti ko ng marinig ko ang sinabi ni Paige. Nahihiya akong nagkamot ng ulo at ngumiti ng tipid.

"Minsan lang ako uminom, pag may okasyon lang." nagbuntong hininga naman si Ara na kala mo sobrang nanghihinayang sa sinabi ko.

"Anyway, malapit lang kami rito! Nasa BGC lang ang condo namin ni Ara." ani ni Paige.

"Ah, magkasama kayo?" sabay naman silang tumango.

"Oo, baka gusto mong sumama rin samin?" pabirong sabi ni Ara.

Ngumiti naman ako ng tipid, "Hmm, magbabakasyon na rin naman."

"Edi pag college na tayo! Welcome ka sa condo namin!" nagmumukha na silang nagbebenta ng condo sa harapan ko.

Napailing ako, "pag-iisipan ko." pumalakpak naman si Paige.

Natigil kami sa pag-uusap ng dumating ang mga inorder namin. Nilabas ni Paige ang instax camer niya, kaya nawala ang ngiti sa labi ko.

"Picture tayo! Memories din to." nakita kong nakatingin sakin si Ara na parang tinatansya ang reaksyon ko. Napatingin naman sakin si Paige.

Napakamot siya ng ulo, "Ah, hehe okay lang ba Eli?" napatingin naman ako sakanila. Bakit nila ako tinatanong? Ganoon ba kahalaga ang opinyon ko para sakanila?

"Huh? Ah, okay lang." natuwa naman agad si Paige. Agad nila akong tinabihan sa magkabilang gilid ko.

Nagtawag si Paige ng waiter para makisuyo.

For the first shot, I didn't smile. Nang makita nilang di ako nakangiti nag-insist sila na isa pa at ngumiti raw ako. Sinubukan kong ngumiti, pero alam kong halatang pilit ang ngiti ko ron. Sa pangatlong shot, nagulat ako ng bigla nila akong yakapin. Napakurap ako ng tumama sa mukha ko ang flash ng camera. Mukha akong tanga sa picture na yon.

Save Me (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon