13

17 3 0
                                    

Isang oras na kami nakaupo ni Zach dito sa bench. Isang oras na ring walang kumikibo sa amin, walang nangangahas na putulin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Tanging mga yapak ng kabayo, at mahihinang boses ng ilang tao ang naririnig namin. Hindi pa rin nagtetext o tumatawag si Mommy, kaya siguro hindi pa sila nakakabalik.

Lumakas ang hangin kaya nilipad ang mahaba kong buhok. Agad ko itong sinikop ng makitang natamaan si Zach ng buhok ko.

"Sorry," I said shyly. Hinawakan ko na lang ang buhok ko. Hindi pala ako nakapagdala ng extra na pangipit.

"Can I ask something?" Nilingon konsi Zach, hindi siya nakatingin sa akin. Nanatili ang mga mata niya sa aming harapan.

Nagalinlangan ako pero tumango rin sa huli.

"You.. You stopped dancing. Why?" Nanatili ang tingin ko sakaniya. Alam nilang lahat kung gaano ko kamahal ang pagsasayaw kaya palaisipan sakanila kung bakit bigla kong tinigilan ito.

"I just want.. to." Pagsisinungaling ko. Lumingon siya sa akin kaya ako naman ang umiwas. Walang nakakaalam kung bakit nga ba ako huminto sa pagsasayaw.

Parte ng buhay ko ang gawain na iyon, kaya noong huminto ako, ramdam ko na may kulang sa akin. Parang palaging may kulang sa akin. Its like a part of me was dead.

"You can't lie to me, Eloise. Tulad ng sinabi mo, saksi ako sa mga nangyari noon kaya saksi rin ako kung paano mo minahal ang pagsasayaw." I smiled bitterly.

"Kasabay ng pag-alis nila ang pagtigil ko sa pagsasayaw, Zach." I said. Umihip muli ang malamig na hangin.

Gininaw ako pero hindi ko ito pinansin. Namanhid na ata ako sa lahat, wala na akong lakas para pansinin pa ang mga bagay na naka paligid sa akin.

"Tell me, Zach," nangilid ang luha ko. "How did you let them go? Mahalaga sila sayo hindi ba? Paano mo sila nagawang bitawan ng ganon ganon na lang?" Tinakpan ko ang mukha ko. Hindi ko kayang may makakita muli ng kahinaan ko.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Gusto ko siyang pigilan, gusto kong sabihin sakaniya na 'wag niya akong lapitan. Dahil sa bawat tao na lumapit at dumating sa buhay ko, nasasaktan ko lang. Alam kong nasasaktan ko na si Zach ngayon pa lang, pero hindi ko kayang mas lalo pa siyang masaktan.

"Hey," he tried to comfort me. "Hindi mo kasalanan. Hindi mo... Hindi mo pinilit si Travis na sirain ang lahat. Hindi mo nga alam, 'di ba?" Lalo akong naiyak sa sinabi niya.

Kahit sinabi sa akin ni Travis noon na hindi niya ako mahal, alam kong totoo ang mga pinakita niya sa akin.

Inalis ko ang pagkakatakip ng kamay ko sa aking mukha, nilingon ko si Zach at umiling sakaniya.

"Nagkakamali ka, Zach. Sinubukan niyang ayusin ang lahat. Pinili niya kayo." Akala ko titigil ang pagtulo ng mga luha ko, pero nagkamali pala ako. Nagtuloy tuloy ito na parang gripo, halos hindi ko na makita si Zach dahil sa sobrang dami ng luha ang nilalabas ng mga mata ko.

Pinili niya kayo, Zach. Pinili niya ang pagkakaibigan niyo. Pero nabulag ako ng pagmamahal ko sakaniya.

I knew something was going on between the four of them. Ang biglang pagsuporta sa amin ni kuya, ang pagtigil nila sa pagdalaw sa bahay. Kilala ko si kuya, kilalang-kilala ko na siya. Alam kong may dahilan lahat ng kilos niya, lahat ng pinakita niya sa akin.

Hinayaan ako ni Zach umiyak sa tabi niya. Alam kong may mga gusto siyang itanong, pero pinigilan niya ang sarili niya. Instead, he let me use him as my crying shoulder. And the thought of it hurts me even more.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak sakaniya, pero nang mahimasmasan ako palubog na ang araw.

Tanaw ang paglubog nito mula sa kinauupuan namin, nakikita ko ang mga taong dumadaan na napapahinto rin dahil sa ganda ng tanawin sa harapan.

Save Me (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon