Hindi ko na nahintay pa ang text sa akin ni Zach dahil pag-alis niya, halos makatulog na ako sa sofa habang nagpapahinga bago maglinis ng katawan at magbihis.
Hindi ko na nacheck ang phone ko pagkatapos ko maglinis dahil paghiga ko sa kama ko, nagtuloy tuloy na ang tulog ko.
Nagising ako ng 10:30 am kinabukasan. Napahaba masyado ang tulog ko. Agad kong kinuha ang phone ko. Nakita kong may apat text si Zach doon at dalawang missed call.
Zach:
I'm home.Zach:
Are you asleep?Zach:
Hey? I'll call.Zach:
You're probably asleep. I'm going to bed now.Napahilamos ako sa mukha ko. Eh bakit ba problemado ako? Nagdalawang isip ako kung magrereply ako, pero dahil sa guilt na nararamdaman...
Eloise:
I fall asleep. Sorry.Nilapag ko ito sa kama at nagpunta na sa banyo para maghilamos. Lumabas ako ng kwarto para makapag-almusal. Dahil tinatamad ako magluto, kumuha na lang ako ng cereal at prutas. Umupo ako sa high chair sa bar counter at doon kumain.
Wala sa sariling kumain akong kumain, nakatulala lang sa kawalan. Halos mapatalon ako sa gulat dahil biglang nagring ang phone ko. Uminom ako tubig bago pumasok sa kwarto.
Nakita kong si Mommy ang tumatawag. Hindi na rin pala ako nakapagtext sakanya kagabi.
Sinagot ko ang tawag niya.
"Hello? Good morning, Mom." Bungad ko.
"Morning, sweetie! Hindi ka na nagtext kagabi kung nakauwi ka. You made me worried." Sabi nito sa kabilang linya.
Nag-sorry ako sakanya, "nakatulog po ako agad pag-uwi ko dahil sa pagod." Bumalik ako sa dining at umupo ulit sa high chair para matapos na ang agahan.
"Alright. Anyway kaya ako tumawag, I forgot to tell you na your Papa already got you an schedule for driver license. I believe you're free later?" Nabigla naman ako roon. Agad?
"What time po, Mommy?" I asked. Inubos ko ang prutas na nasa plato.
Narinig kong tinanong niya pa si Papa about sa schedule ko.
"2 PM, sweetie. You'll be fast just tell them you're the daugther of Eng. Villareal." Labag man sa loob, sa huli ay pumayag na lang din ako.
Ibinaba ko ang phone ko pagtapos ng tawag.
I kinda hate it when they want me to benefit from my name. They can use their connections anytime and anywhere they want. Pero ako, ayoko ng ganon. Pareho kami ni Kuya.
Napatingin ako sa kinain ko. Dapat pala nag-brunch na ako.
Wala akong nagawa kaya tumayo na ako para mahugasan ang pinagkainan. Napasulyap ako sa wall clock na nasa living room, eleven o'clock na.
Tinext sa akin ni Mommy ang details at kung saan ako pupunta. Sa QC pa ako pupunta, kaya nagmadali na ako mag-ayos. Sinabi sakin ni Mommy na dapat nandoon ako 30 minutes early. Pagtapos ko maghugas, dumiretso na ako sa banyo para makaligo.
I wore a ripped mom jeans and a gray 3/4 loose polo shirt. I also wear my black high-cut converse. Isang maliit na sling bag ang dala ko dahil phone, wallet at susi lang ng apartment ang dadalhin ko.
10 minutes before 12, I'm ready to go. Agad akong nag-book ng grab at buti na lang may nearby driver kaya na-accept agad ako.
Sumakay ako nang pumarada ito sa harapan ko. Traffic kaya?