11

15 4 0
                                    

I'm not really friendly. Wala akong kaibigan. Maybe, I treat kuya's friend as my friend because they treat me as one. Wala rin namang problema sa akin kung wala akong kaibigan. Sapat ng nandyan si Kuya para sa akin. He's my brother, my bestfriend, my all.

Pero ngayon, narealize kong wala naman palang masama kung hayaan ko silang lumapit at kilalanin ako.

Pero hindi lahat, ay dapat nilang malaman.

"Thank you, manang." I'm done with my dinner. Isang oras na ang nakalipas nang umuwi si Paige at Ara. Tumanggi na silang dito mag-dinner, kaya hinayaan ko na.

Wala parin sila Mommy. Siguro may problema sa kumpanya? I don't really know. Doon ko napiling mag summer job pero wala akong kaalam-alam tungkol sa kung ano at dapat gawin.

Umakyat ako sa kwarto ko. Umupo ako sa mini couch na naroon at pumikit.

Year-end ball is only 2 days away. Alam ko sa sarili ko na ayokong magpunta, anong sasabihin ko kila Ara? They've been forcing me to say 'yes'. I don't even know kung mayroon ba akong masusuot kung pupunta ako?

Dumilat ako at dumapo ang tingin ko sa walk-in closet ko. Tumayo ako at pumunta roon. Binuksan ko ang ilaw sa loob at pinasadahan ng tingin ang mga damit ko.

Casual ang karamihan sa mga damit ko, hindi ako mahilig magpunta sa mga formal events. Kahit sa kumpanya namin, hindi ako madalas sumama kapag anniversary and such. Si kuya lang ang sumasama noon dahil supposedly, he's the heir. Kaya wala masyadong nakakakilala sa akin sa kumpanya namin, kung meron man 'yon yung mga matatagal na nagtatrabaho roon. Kung nakapunta man ako noon sa mga formal event, malamang hindi na kasya sa akin ang mga formal dresses and gowns ko. Hindi ko nga matandaan kung kailan ang huling punta ko sa mga ganon.

Kahit alam kong wala akong mahahanap, sinubukan ko parin. Sinuri ko bawat sulok ng walk-in closet ko, baka may mga naisisingit o may mga binili sa akin si mommy na hindi ko na matandaan.

Napahinto ako nang may maalala.

"Bumili rin tayo ng pang semi-formal na damit." It was our date at SM Pampanga, during our second month.

"Ano namang gagawin natin doon? Alam mo namang hindi ako mahilig sa mga formal parties." Pero kahit anong sabihin ko, hinila niya niya parin ako sa isang botique ng mga gowns and formal attires.

"Malay mo magamit natin 'to? For emergency purpose." Natawa naman ako sa sinabi niyang emergency purpose. Sabi na nga ba magwawaldas lang kami rito.

"Go. Choose what you want." Umiling ako agad. Kung pipili man ako, ako rin ang magbabayad noon. Ayoko ng pinaggagastusan ako sa mga ganitong bagay lalo na kung kaya ko rin namang bilhin.

"Fine. You choose what you want, and you'll be the done who'll pay." Sumusukong sabi ni Travis. Hawak ang ilang paper bag, pumili ako ng magugustuhan ko. Saan ko naman magagamit 'to?

May isang gown na pumukaw ng atensyon ko. Nakasuot ito sa isa sa mga mannequin ng shop. Hinawakan ko ang laylayan ng dress at napangiti.

Naramdaman kong niyakap ni Travis ang bewang ko mula sa likod.

"You like that?" Bulong nito sa akin.

Ngumiti ako at tumango. Nanatili ang tingin sa damit. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko at sinabi sa isang saleslady na ito ang gusto ko.

Sinabi ko ang size ko at dumiretso sa fitting.

"Let me see when you're done." Trabis winked at me.

May kasama akong isang saleslady sa loob ng fitting room para matulungan akong isuot ito.

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin habang inaayos ng saleslady ang tali sa likod ko.

Save Me (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon