Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta ang alam ko lang, gusto kong makalayo roon. Hinayaan kong kumilos ng mag-isa ang paa ko.
Kasalanan ko ang lahat.
Guilt crept inside me. Kumusta si Travis? Okay na kaya siya? Hindi ko maiwasang hindi mag-alala.
Kailangan ko ng mapilit si mommy na umuwi kami para makita ko na si Travis at kuya.
Huli na ng maalala ko si mommy. Agad akong napakurap at tumingin sa paligid. Kumunot ang noo ko. Dinala ako ng mga paa ko sa tapat ng condo.
Dahil ayoko nang bumalik pa roon, umakyat ako sa condo namin. Wala ng pakielam kung hinahanap na ako ni mommy.
Ako lang ang sakay ng elevator. Kitang-kita ko ang repleksyon ko sa pinto ng elevator. Agad nangilid ang luha ko.
Bakit ako umiiyak?
Hindi ko man maintindihan ang sarili kung bakit tumutulo ang mga luha ko, hinayaan ko ito.
Nang huminto at magbukas ang elevator, lumabas ako at dumiretso na sa condo. Ilang beses ko sinubukan ang fingerprint bago tuluyang bumukas ang pinto. Pagpasok ko, yumuko ako para hubarin ang sapatos na suot.
Hindi ko ito matanggal dahil nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha. And it frustrate me so much.
It sucks to be me.
Tuluyan na akong napaupo roon, tanging isang sapatos lang ang natanggal. Sinandal ko ang noo sa tuhod at doon umiyak.
"Bakit ka ba umiiyak, Eli?" Parang tanga kong tanong sa sarili ko.
Hinayaan kong umiyak ang sarili ko. Kahit hindi ko alam kung para saan ba ang mga luha ko.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero... Parang bigla kong naramdaman na may kulang sakin... na may nawala sakin.
Sobrang sakit ng puso ko, na parang alam nito kung bakit ako umiiyak. Alam nito ang hindi alam ng utak ko.
Ang mga munting hikbi ko lang ang maririnig sa buong condo. Ako lang ang nandoon.
Mag-isa.
Nawawala.
Hindi alam ang gagawin.
I'm lost.
Narinig ko ang tunog ng smartlock ng pinto. Pero hindi ako umalis sa kinauupuan ko.
Naramdaman kong bumukas ang pinto sa likod ko.
"Eloise!" I heard mommy's worries voice.
"Eloi--" Napahinto siya. Marahil nakita na ako.
"Sweetie? What happened?" Naramdaman kong umupo siya sa gilid ko. Hindi ako nag-angat ng tingin. Nanatili akong tahimik at nakayuko roon. Hindi ako gumalaw kahit may dumating ng tulong para sakin.
"Hey," tawag ni mommy sa akin. Hinaplos niya ang buhok at likod ko.
"I.." Panimula ko. Nag-angat ako ng tingin sa harapan ko, hindi siya nililingon. "..want to go home." Pinunasan ko ang luha ko bago tuluyang balingan si mommy ng tingin.
Maingat siyang tumingin sa akin, "We can't, anak. We need to stay here."
"Why?" Binalik ko ang tingin sa harapan. "Because you're hiding something frome me." Sagot ko sa sariling tanong.
"Am I right, mom?" Kita ko ang pagtigil niya sa gilid ng mata ko. Tama ako.
"Just... Just please, tell me. I-I can't wait for my memories to be back! Ni hindi tayo sigurado kung babalik pa ba ang mga iyon!" Muling tumulo ang mga luha ko. I'm really frustrated... and confused about everything. Parang hindi ko na kilala ang sarili ko.
