10

20 4 0
                                    

Pumasok na ako sa loob ng bahay kasunod ng dalawa. Namamangha nilang tinignan ang loob ng bahay. Hinayaan ko sila.

"Tara sa dining, nagpahanda ako ng brunch." Tumango naman sila at nilapag ang dala nilang maliit na bag sa sofa.

Umupo kaming tatlo.

"Sorry sa biglaan! Naisip lang talaga namin 'to ni Ara kanina, boring kasi sa condo eh." Paige explained.

Ngumiti naman ako, "It's okay. Wala rin naman ang parents ko." I said.

Nagsimula na kaming kumain.

"Ah ganoon ba? Nasaan sila?" Tanong ni Paige. Nanatiling tahimik si Ara.

"Work." I simply said. Tumango naman si Paige at kumain na rin.

Nagkwento sila kung bakit nabored sila sa condo nila at ako ang napili nilang guluhin. Nag-sorry ulit sila dahil pakiramdam daw nila ay naistorbo nila ako. Wala rin naman talaga akong planong gawin ngayong araw, kaya ayos lang.

"Ang kuya mo pala? Nasaan?" Biglang tanong ni Paige. Halos masamid ako sa iniinom na tubig. Tapos na rin kaming kumain.

Nagulat din si Ara sa narinig. Bago pa ako makasagot biglang nagsalita si Ara.

"Grabe, busog na busog ako! Lakad lakad tayo sa garden niyo, Eli! Tara?" Nakangiting sabi ni Ara.

Napatingin naman ako kay Paige at mukhang hindi niya napansin na nilalayo ni Ara ang usapan.

Tumango ako agad, "Sure, tara. Ang maid na ang bahala rito." Tumayo ako.

"Okay! Pa-cr muna, Eli ha?" Paige asked. Tumango naman ako.

Our restroom is on the right side, pero sa left side, kung saan malapit sa hagdan, siya nagpunta. Bago ko pa siya mapigilan ay nabuksan niya na ito.

"Oh?" Lumingon sa akin si Paige. "Nagsasayaw ka?" Nangapa ako ng sasabihin.

Bandang huli, tumango ako.

"Ah, yes," lumapit ako sakaniya, nilock at sinara ko ang pinto ng dance studio ko. "Doon ang restroom." I pointed at the opposite door.

Her lips form a small 'o' tumango. Dumiretso siya sa restroom. 

Napabuntong hininga ako. Nang nilingon ko si Ara, nakita kong nakatingin siya sa akin.

He smiled at me shyly, "I'm sorry about that." I smiled a little and nod.

Hinintay namin si Paige bago kami lumabas.

Umikot sila sa buong patio at garden namin. Natuwa sila sa iba't ibang klase ng bulaklak na tanim ni Mommy doon.

"Ang galing mag-alaga ng Mommy mo! Napabunga niya itong roses at sunflower. Paborito mo ang roses diba?" Kumunot naman ang noo ko sa tanong ni Paige.

"Sinong nagsabi?" I asked. Lumingon naman si Ara sa akin.

"Hindi ba roses ang bigay sayo ni Kuya Zach noon? So we assume that you like roses?" Ara explained.

Umiling naman ako agad, "I don't really like roses. I like tulips better." I said.

Napatango naman sila, "Bawas points kay Kuya Zach." Pang-aasar nila. Napailing na lang ako at ngumiti ng tipid.

Nakarating kami sa likod ng bahay, kung nasaan ang pool.

Napapalakpak naman si Paige sa sobrang excited pero pinili nilang palilimin muna ng kaonti. Its one in the afternoon.

Dumapo ang mata nila sa hammock, kaya nagmadali silang pumunta roon at umupo. Magkatabi sila sa isa, kaya umupo ako sa katabi nito.

"Ang ganda ng bahay niyo, Eli. Bet ko rin ung chevrolet sa garahe niyo." Natawa naman kami ng bahagya ni Paige dahil sa sinabi ni Ara.

Save Me (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon