"Nakita mo na result?"
"Nasa bulletin daw, tara!"
"May result na finals!"
"Sana pasado tayo."
Pagpasok ko ng campus ganyan agad ang usapan na narinig ko.
Nilabas na ata ang result ng finals namin.
Lumingon ako sa paligid, sinusubukang mahanap sila Paige at Ara sa dagat ng studyante. Nang hindi ko sila makita, nagdecide ako na magpunta na sa pinaka malapit na bulletin board.
Palapit pa lang ako naririnig at nakikita ko na ang mga studyante na masasaya dahil nakapasa at pasok sa honors. Ang iba naman masaya na kahit pasado lang at walang awards. Ang iba nanghihinayang dahil kaunting puntos na lang, ay pasok na sana.
Kahit ano na ako, basta pasado lang.
Hinintay kong umalis ang ibang studyante para makita ko ang result para hindi na ako makipagsisikan pa. Ilang minuto lang, konti na lang ang studyante kaya nagpunta na ako sa harap ng bulletin.
12 STEM 1
Sinuyod ko ang mga pangalan sa ilalim ng section namin.
Villareal, Eloise Liana G. - High Honor, 96.35
Nakita ko na ang pangalan ko pero nagpatuloy pa din ako sa pagtingin.
Alcantara, Paige Avery D. - High Honor, 95.28
Santiago, Gabriella Ara C. - High Honor, 95
Napangiti ako ng makita ko ang pangalan ng dalawa. I'm proud of them.
"Eli! Omg!" Napalingon ako sa gilid ko ay nakita ko ang dalawa na tumatakbo palapit sakin.
Halos matumba ako ng dambahin nila ako ng yakap dahil sa tuwa. And for the first time hinayaan ko silang yakapin ako.
"Omg, Eli! Pasado tayo! Gagraduate na tayo for real!" Ara exclaimed. Humiwalay sila sa akin.
"Congrats." I said, smiling.
"Congrats sa atin! Ano ka ba! Ikaw din oh!" Sabay turo ni Paige sa pangalan ko.
Sabay sabay kami naglakad papuntang auditorium dahil ngayon ang general practice. Its friday today, and on Tuesday, will be the year-end ball, and by Friday next week will be our graduation day.
Konti na lang.
"Ano, Eli? Nakapagdecide ka na ba about sa year-end ball?" Tanong sakin ni Ara habang naglalakad kami.
Umiling naman ako, "Hindi ko talaga gusto pumunta eh."
Nanlumo naman ang mukha nila, "Eli naman, pumunta ka na please? Nandoon naman kami!" Halos lumuhod sila sa harap ko para lang mapilit ako na pumunta sa year-end ball.
"I'm still unsure, bahala na." Ngumiti naman sila agad.
"Basta call us, okay? Para kung pupunta ka, kami na ang mag-aayos sayo!" Tumango na lang ako sa sinabi ni Ara.
Bago makapasok sa auditorium, may narealize ako.
"But... I don't have your number." Nagkatinginan naman sila at napakamot ng ulo. Narealize rin siguro nila.
"Oo nga noh? Sige, mamaya! After practice." Tumango naman ako kaya pumasok na kami at pumunta na sa kanya-kanyang pwesto.
After our 3 hours practice, we exchange numbers. Sinabi rin nila sakin na gumawa na ng social media accounts. Meron naman talaga ako, hindi ko lang ginagamit.
