"What happened, anak?" Humiwalay ako sa yakap ni mommy.
Pinunasan ko ang mga luha bago nilikom ang mga nakuha sa kahon bago ito ibalik sa loob.
Nakita kong nagtataka si mommy kung ano ba ang hawak ko o kung ano ba ang tinitignan ko.
Inaayos ang mga polaroid films nang mapatigil dahil hinawakan ni mommy ang kwintas na suot ko.
Ang kwintas na bigay ni Travis.
Ang simbolo ng pagmamahal niya sakin.
"You... You bought a necklace?" Marahang hinaplos ni mommy ang pendant nito pero nakatingin siya sa mukha ko, tila tinitimbang ang magiging reaksyon.
Nang makabawi, nagpatuloy ako sa pag-ayos ng kahon.
"It was given by Travis." I said.
Natigilan si mommy. Nagtataka.
Nilibot niya ang paningin sa sahig kung saan ako nakaupo, napansin na ang mga gamit na naroon.
"This.. was given by Travis, anak?" Tinutukoy ang kahon.
Tumango ako ng marahan. Inabot ko ang ribbon na naiwan sa ibabaw ng kama. Naka-tatlong ulit ako sa pagbuhol ng ribbon bago nakuha ang tamang ayos nito.
Hinaplos ko ito at hinayaan sa kandungan ang kahon.
"Sweetie..." Tawag ni mommy, nag-aalala.
Bakit? Tingin niya gumagawa ako kwento?
Inangat ko ang tingin ko at malamig siyang tinignan.
"This was given by Travis two day before that... night." I explained. She looked shocked and relieved at the same time.
"It was before my year-end ball. But I never got a chance to open it because of what happened." Pumiyok ang boses ko.
Pinikit ko ang mga mata para mapigilan ang mga nagbabadyang luha.
She nod and sadly smiled at me.
"Come on, stand up." Hinawakan niya ang kamay ko at marahan itong hinila para tumayo ako.
Naguguluhan man, sinunod ko siya. Hawak pa rin ang kahon, tumayo ako.
Umupo si mommy sa kama ko. Ngumiti siya sakin at sumenyas na tumabi sakaniya.
Maingat kong nilapag ang kahon pabalik sa side table ko bago tumabi kay mommy. Bahagya siyang humarap sakin at hinaplos ang buhok ko.
"You grew up so well, Eli." Natigilan ako dahil sa pangalang tinawag niya sakin.
Ayaw ni kuya na tinatawag akong 'Eli'. He likes 'Eloise' more than my nickname. I don't know though, maybe because he finds 'Eloise' more special to him.
"Your kuya doesn't really want to call you 'Eli', dahil sabi niya you don't like your name kaya iyon ang itawag namin sayo para matutunan mo iyon magustuhan." She explained.
I smiled a little because of that. Ayun pala, I expected to hear deeper reason pero hindi nga pala ganoon ka-sentimental si kuya.
"Anak," she called me. "Are you now ready to share it to mommy?" She looks so hopeful. Ang mga mata niya ay sumisigaw ng pag-asa.
Pag-asa na baka sakaling pagkatapos ng apat na taon, ay malaman na nila ang totoong nangyari.
Yes, hindi nila alam ang totoong nangyari because I refused to tell them. Masyadong masakit para sakin ang magkwento dahil alam kong sa dulo ng kwento ko, ako pa rin ang may kasalanan ng lahat.
