21

11 4 0
                                        

I was devastated. I was so brokenhearted. Hindi ko alam kung anong nangyari pagtapos noon, pero nagising ako na panibagong araw at nasa kwarto na.

And I regret waking up.

As soon as I opened my eyes, naramdaman ko agad ang sakit. I'm hurting physically and emotionally to the point na hindi na alam ng katawan ko kung ano ang uunahin.

Hindi magagawa magsinungaling sakin nila mommy, specially tita, about Travis. Pero hindi ko pa rin matanggap.

Hindi ko magawang tanggapin. I was indenial. I know it sounds funny, pero mas ayos ako sa ganito. Mas gugustuhin ko pang hindi sila paniwalaan kahit nasa harap ko na ang katotohanan.

I love Travis so much. Wala man maniwala sakin dahil bata pa ako, pero alam ko sa sarili ko na hindi ito laro sakin. Totoong mahal ko siya.

Hindi lang basta si Travis ang nawala sakin, kalahati ng pagkatao ko ang namatay nang malaman kong wala na siya.

Buong araw akong nanatili sa kwarto ko. Nakahiga sa kama, tila walang buhay. Hindi ko na sinubukang bumangon pa. Ilang beses kumatok ang katulong namin para sabihing bumaba ako at kumain na. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, pakiramdam ko hindi kaya ng katawan kong tumanggap ng pagkain ngayon.

Hindi ko narinig na kumatok si mommy o papa ngayon. Probably because they're on work.

They're on work?

So nasa bahay si kuya ngayon?

Napabangon agad ako sa naisip. At naging dahilan iyon ng sandaling pagkahilo.

Nang umayos ang paningin ko, mabilis akong lumabas ng kwarto. Nakita ko pa ang isang tray ng pagkain sa tabi ng pinto ng kwarto ko.

Wearing my pajama, messy hair and barefooted, I walk towards kuya's bedroom, katabi lang ng kwarto ko.

Tumayo ako sa tapat ng pinto ni kuya. Takot man pero nangingibabaw ang kagustuhan kong makita siya. Mayroon man kaming hindi pagkakaintindihan bago ang gabi ng aksidente, alam kong siya lang ang higit na makakaintindi sakin.

Nakiramdam muna ako bago ako tuluyang kumatok. Naghintay akong sumagot o pagbuksan niya ako, pero wala akong natanggap na sagot mula sakanya.

Kumunot ang noo ko at kumatok muli, "K-Kuya... Its me." Mahina ngunit sapat na para marinig niya ako.

Pero hindi parin siya sumagot.

"I'll open your door." Paalam ko bago tuluyang buksan ang pinto ng kwarto niya.

Tumambad sakin ang walang taong kwarto niya.

Malinis ang kwarto niya, as usual. Allergic ata yon sa dumi, makakita lang ng kaunting alikabok ayaw na agad.

Pumasok ako sa kwarto niya at hinayaang bukas ang pinto. Bakit wala siya? Nakabalik na si mommy ah?

Hindi ko alam pero parang kumabog ang puso ko sa hindi malamang dahilan. Parang bigla akong kinabahan na ewan.

Tumalikod ako nang may mapansin sa study table niya.

Cellphone.

Phone ni kuya to, ah? Naiwan niya?

Lumapit ako sa study table niya at kinuha ang cellphone. Kumunot ang noo ko ng makitang basag ito.

Maingat si kuya sa gamit, paanong sira ito?

Sinubukan kong buksan ang phone pero hindi na ito gumagana pa. Nilapag ko ito ulit at hinayaan na.

Sabagay, hindi naman talaga natin alam ang mga mangyayari sa buhay natin.

Save Me (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon