Maaga ako nagising kinabukasan. 8 o'clock pa lang yata nagtetext na sa akin sila Paige. Sobrang excited sila. Alas diyes na ako nagdesisyon na bumaba para kumain ng agahan, pagtapos non, nagdilig ako ng mga halaman sa garden pang patay ng oras.
Dinidiligan ko ang mga halaman ni Mommy malapit sa gate ng makita kong pumarada ang pamilyar na Porsche ni Zach.
Anong ginagawa niya rito?
Lumabas siya ng sasakyan niya. Naka formal attire ito at parang papasok pa lang ng trabaho. Pipindutin niya na sana ang doorbell nang mapalingon siya sa akin. Agad siyang umayos at nginitian ako.
Pinatay ko ang hose na hawak ko at lumapit sakanya sa gate kung nasaan siya.
"Anong ginagawa mo rito?" Bungad ko sakanya.
He chuckle, "Good morning to you too." nanatiling seryoso ang mukha ko.
"I brought flowers." Nilingon niya ang sasakyan niya kaya napatingin din ako roon.
"Can you come here? Or.. Should i go inside?" tanong nito sa akin. Nagdalawang isip ako, pero sa huli ako na lang ang lumabas.
Nang makalabas ako ng gate, hindi siya lumapit sakin. Hinayaan niyang malayo ang agwat naming dalawa, hindi na sinubukang lumapit pa.
"Ipapadeliver ko sana ito mamaya, para sa year-end ball niyo. Kaso naisip ko na, mas gusto kong ako ang magbigay sayo ng personal." Ngumiti siya sa akin at binuksan ang sasakyan niya. Kinuha niya ang isang boquet ng tulips at hinarap sa akin.
Napaawang ang bibig ko dahil sa nakita. Paano niya nalaman?
Nang makita ang itsura ko agad siyang nagsalita, "Nabanggit sa akin ni Paige." Tila nabasa kung ano ang laman ng utak ko. Umiling ako ng may maalala.
Wala akong nagawa kundi tanggapin na lang ang bigay niya.
"Thank you. You don't really need to send me flowers, you're not my... date." I said. Tumaas naman ang kilay niya.
"Why? May date ka ba?" He look at me intently.
Nanlaki ang mata dahil sa sinabi niya, "What? No! Paano naman ako magkakaroon ng date?" I said, stating the fact.
He nod at me, serious. "Alright. I need to go now, I have some meetings." Tumango naman ako agad.
"Hmm, thanks again." Ngumiti siya sakin at tumango.
"Take care. Enjoy later." Tinignan niya ako bago tumalikod at sumakay ng sasakyan niya. He beeped once at tuluyan ng umalis. Pinanood ko ang sasakyan niya hanggang sa hindi ko na ito matanaw.
Pumasok ako sa loob ng bahay. Nilapag ko sa bar counter ang mga bulaklak at tinitigan ito. The tulips look so fresh, parang bagong pitas pa. Kinuha ko ang vase sa sala at nilagay ko roon ang mga bulaklak. Maglalagay sana ako ng isa sa kwarto ko pero hindi ko na tinuloy. It will just... remind me of something... of someone.
Tinignan ko ang orasan at nakitang alas dose na. Chineck ko ang phone ko at nakitang may bagong text message si Paige.
Paige:
We're having our lunch now. After this, maliligo na kami at mag-aayos ng gamit and we're ready to go!Nagreply naman ako agad.
Eloise:
Alright. Take care. Text me when you're otw.Binulsa ko ang phone ko nang makitang pinaghanda na ako ni Manang ng pagkain.
"Thanks, Manang." Ngumiti ito sa akin at tumango.
Umupo na ako nagsimula kumain. Napalingon ako kay Manang nang makitang hindi pa ito umaalis.
![](https://img.wattpad.com/cover/13423999-288-k479755.jpg)