12

14 4 0
                                    

Nagising ako kinabukasan ng mabigat ang loob. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa mga naalala ko kahapon?

Huminga ako ng malalim bago bumangon. Naghimalos ako sa cr at bumaba na.

"Good morning, sweetie! Come join us." Nagulat ako ng makita ko sila Mommy sa dining. Hindi sila pumasok?

I greet them bago ako umupo sa harap ni Mommy.

"Wala po kayong work?" I asked.

"Its sunday, Eloise." Sagot ni Papa sa akin. Napahinto ako saglit bago tumango. Dati kasi kahit linggo, wala sila.

Kumuha ako ng konting kanin, egg and bacon.

"Are you on a diet?" Biglang tanong ni Mommy sa akin. Napatingin naman ako sa plato ko.

Umiling ako, "No, mom. Wala lang po akong gana kumain." I said. Pinipilit ko nga lang kumain.

"Why? Masama ba ang pakiramdam mo?" Mom looks worried. Sinulyapan ko si Papa at nakitang nakitingin din ito sa akin.

"I'm totally fine po." I smiled a bit.

Tumango na lang si Mommy at nagusap na sila ni Papa tungkol sa trabaho.

Hinintay ko silang matapos bago ako tumayo.

"What are your plans for today? Do you want to go out?" Napalingon ako kay Papa para masiguro kung ako ba ang kausap niya.

"Wala po. I'll stay in my room." I said.

"Go pack your things. Your Mom and I will have a business meeting in Tagaytay later. Sumama ka sa amin, para makapasyal ka rin. If you want, mag-overnight na rin tayo roon." Tumayo si Papa at ngumiti.

Naiwan kami ni Mommy sa dining.

She smiled at me, "Go. Family bonding."

Tumango ako at umakyat na. For the first time in four years, we'll have our family bonding.

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa ideyang iyon, o malulungkot dahil hindi kami kumpleto. Napangiti ako ng mapait.

Wala akong nagawa kundi maligo at magayos. Aalis daw kami before lunch. I'm wearing a mini puff-sleveed denim dress and my white sneakers. Magdadala na lang ako ng cardigan in case. I also made my hair into half ponytail, powder and a little bit of liptint. Masyado akong maputla, kaya kailangan ko nito. My small bag and I'm ready to go. Nagdala na rin ako ng extra set of clothes dahil sabi ni Papa may chance na magovernight kami.

Nilagay ko naman ang phone, powder, liptint and wallet sa sling bag ko. Kinuha ko ang white cardigan ko at bumaba na. Sakto namang tapos na rin magayos sila Mommy kaya dumiretso na kami sa sasakyan.

"Hindi po tayo magpapadrive kay kuya Ramon?" Tanong ko nang makita kong si Papa ang umupo sa driver's seat.

Nilingon ako ni Mommy mula sa Passenger's seat at umiling ito.

"We gave Ramon a day-off, ilang linggo na rin kasi siyang walang pahinga." Mommy explained.

Tumango naman ako at kinuha ang phone ko. Nakita kong may ilang text si Paige at Zach doon.

Inopen ko ang messages ni Paige.

Paige:
Thanks for yesterday! We enjoyed a lot! xoxo

Paige:
Are you free?

Nagreply naman ako.

Eli:
I'm on the way to Tagaytay. Why?

Kapapatay ko pa lang ng phone ko nang bigla itong mag beep. Akala kp si Paige pero si Zach pala.

Save Me (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon