3

31 4 0
                                    

"Ang sakit ng paa ko!" iyak ni Ara sa tabi ko.

Nandito kami ngayon sa isang bench sa field. Its already 4 o' clock, kakatapos lang namin magikot ikot para mahagilap ang mga prof namin na nagtatago every clearance week.

"I have a proposal to make!" sigaw ni Paige. Oo, sigaw. Sakit sa tenga.

"Ano 'yon?" si Ara lang ang sumagot.

"What are your plans this summer? Outing tayo!" tila naging magic word ata ang sinabi ni Paige kaya nagka-energy na naman si Ara.

"Uy game! Magiging busy na tayo pag college, kaya game ako dyan!" napailing naman ako.

Alam ko mayroon ding kumpanya ang mga parents nila. Hindi ba sila magsisimula magtrain or what?

"Ikaw, Eli? Game kaba?" Napakurap naman ako agad. Ako?

"I'll be busy during summer. May... summer job ako." I said. Kahit wala naman akong summer job, hindi ako sasama. Inayos ko ang gamit ko, nagpapahinga lang ako saglit then uuwi na.

"Huh? Saan?" Ara asked. Sinulyapan ko sila bago pinagpatuloy ang pag-aayos.

"Sa... kumpanya namin." Their mouth form a small 'o'.

"Ganun ba? Sayang naman." nginitian ko sila ng tipid. Napapadalas ata pag ngiti ko sakanila ah?

"Oh, aalis ka na?" tanong ni Ara ng makita niya akong tumayo.

Tumango naman ako, "Oo, kailangan ko na rin umuwi."

"Osige, ingat ka! Bukas na lang ulit."

----

6:00 pm

After taking a nap and a shower, nagsimula na ako mag-ayos ng sarili. Mommy told me to come over for dinner, which is new. Simula ng tumira ako mag-isa, bilang lang ata sa kamay ang mga panahon na inaaya nila ako kumain kasama sila.

It will be just a simple dinner, kaya nagsuot na lang ako ng basic white shirt and a maong short. I paired it with a black belt and my white sneaker.

They told mo to come earlier than our usual time for dinner kaya after ko mag-ayos, aalis na ako.

*beep beep*

Or.. maybe not.

Hindi na ako nagulat ng makita ko si Kuya Ramon sa labas ng apartment ko.

"Good evening, Miss Eloise." Kuya, Eli nga sabi.

Tumango ako, "sinabi ko po kay Papa magco-commute na lang ako, Kuya Ramon." ngumiti siya ng tipid sakin.

"Ang mommy niyo po ang nagsabi na sunduin na kayo dahil gabi na." Ahh, bawal nga pala ako lumabas ng gabi.

Tumango na lang ako at sumakay na sa sasakyan.

Nakatingin lang ako sa bintana habang nasa biyahe. Nasa QC pa ang bahay namin, sa isang subdivision doon. Kaya mas okay na ring nag apartment ako malapit sa school.

Nang huminto ang sasakyan dahil sa stop light, naagaw ng atensyon ko ang buwan. The moon tonight was waning gibbous, hindi man full moon pero sobrang liwanag nito.

"Nakatitig ka na naman sa buwan, kesa sa akin. Pagseselosan ko na ba yang buwan na yan?" napalingon ako kay Travis na nagdidrive ngayon. Natawa naman ako ng makita kong nakasimangot siya.

"Napakaseloso mo," I laughed. "Alam mo namang favorite ko ang moon, ang ganda ganda kaya. Look!" sabay turo ko sa harapan kung saan kitang kita ang sobrang liwanag at laking full moon.

Save Me (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon