18

14 2 0
                                        

"Diretso na ba tayo sa airport, mom?"

Na-discharged na ako ngayon. Halos dalawang linggo na ang nakalipas noong nagising ako. Hindi agad ako pinauwi ng doktor dahil inobserbahan pa nila ang kalagayan ko. At ang mga mata ko.

Hindi ako makapaniwalang hindi na sa akin ang mga mata na meron ako ngayon.

Ang sabi sa akin ni mommy, ang mga mata ko ang napuruhan dahil sa aksidente. Suot ko raw ang salamin ko ng oras na yon, at sa banda ko nanggaling ang truck na nakabunggo sakin. Hindi na natuloy ni mommy ang kwento noon dahil sumakit ng sobra ang ulo ko.

Dalawang linggo na ang nakalipas pero wala pa rin akong matandaan sa mga nangyari. I sometimes have a vivid dream. Hindi ko alam kung alaala ko ba iyon o panaginip lang talaga.

"No, sweetie. We'll stay here for the meantime." Agad kumunot ang noo ko. Nasa loob na kami ng taxi at sinabi nito ang address ng condo namin dito sa New York. Dahil mas madalas kami mag-stay sa Canada, nandoon ang bahay namin.

Hindi na ako nakapagsalita dahil nang lingunin ko si mommy, nakapikit ito. Pagod na pagod.

Bumuntong hininga ako at hinayaan na lang. Bakit hindi pa kami umuwi ngayon? Baka kailangan pa namin bumalik sa hospital?

Pinasawalang bahala ko ito. Halos isa't kalahating oras ang naging byahe namin para makarating sa Waterline square, nandito ang condo na tinutuluyan namin.

Bumaba ako ng taxi habang nagbabayad si mommy sa loob. Kinuha ko rin ang isang bag na dala namin sa hospital.

"Ako na, nak. Baka makasama sayo ang pagbubuhat. Lets go." Magrereklamo na sana ako pero agad siyang naglakad papasok sa building.

Tiningala ko ang all glass building na nasa harap namin. Kung hindi ako nagkakamali, nasa 15th floor ang condo na nabili nila Papa noon.

Wala akong nagawa kundi sumunod kay mommy. Dahil spring season ngayon, isang skinny jeans at white long sleeve ang suot ko. Nakatupi ito hanggang siko at di na ako nag-abala pang i-tuck in ito sa pantalon ko. Ang hanggang balikat na buhok ay hinayaan kong tangayin ng hangin.

Madaming locals at foreigner ang lumalabas pasok sa building. Sikat kasi ito sa buong waterline square.

"Eloise," tawag ni mommy sa akin. Nakapasok na pala siya sa elevator.

Pumasok ako at tumabi sakanya. May iilan kaming kasabay pero hindi ito ganoon ka-crowded. Nang huminto ito sa 15th floor, lumabas na kami ni mommy.

Sa dulo ng right wing ang condo namin. Smart lock ito kaya hindi kailangan ng susi, tanging passcode at fingerprint.

Sinubukan kong alalahanin ang passcode pero di ko magawa. Hinayaan ko na lang ito dahil nakasave rin naman doon ang fingerprint ko.

Nang magbukas ang pinto, naunang pumasok si mommy. Nanibago ako ng makita ang loob. Kailan ba ako huling nakapunta rito?

Pagpasok ng pinto ay makikita ang isang cabinet sa gawing kanan. Doon namin minsan sinasabi ang mga coat namin, at sa ilalim nito ay shoe rack.

Tanaw agad ang living room at kitchen pagpasok ng pinto. Sa tabi naman ng cabinet, ay isang hallway. Nandoon ang mga kwarto.

Pumasok ako at tinanaw ang hallway. Sa kanan ko ay isang pinto, comfort room iyon. Tanging toilet lang at lababo ang naroon, para sa mga bisita. Katapat ng pinto ng comfort room ay ilang painting. Sa kaliwang gawi naman ay isang maikling hallway, nandoon ang kwarto ko. Katapat ng hallway na iyon, ay isang pinto ulit para sa laundry. Sa dulong bahagi naman ay ang kwarto nila mommy.

Save Me (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon