Chapter 2

9.6K 239 22
                                    

Media: Go Ara as Ren


Binuksan  nito  ang pinto ng red wrangler jeep she used to drive when she was well and sat on the driver's seat. Huminto ako sa pagsunod sa kanya and stared at her worriedly.

"Ate Ren, bawal na po sa inyo ang mag-drive."

"It's alright, An, I really feel good tonight and promise, saglit lang tayo. May gusto lang akong puntahan, please?" she gave me her sweetest smile na ang sarap pagmasdan.

 My heart melted right away. Paano ba ako tatanggi rito ganoong she deserves every happiness she can get right now, kahit ano pa iyon, maliit man o malaki basta makapagpapasaya sa mga huling araw nito.

Wala na akong nagawa kung hindi ang sumakay sa passenger side and she happily started the engine and off we went at kung saan ay hindi ko alam. Dahil medyo malalim na ang gabi at wala nang gaanong sasakyan sa kalsada, naging payapa ang aming pagda-drive.

She looked so happy at hindi matapos tapos ang ngiti nito. It's still feel weird that whenever I look at her, though I can see myself dahil suot nito ang wig na pareho ng buhok ko at makeup na kinopya ang mukha ko, I know that she's still ate Ren. Hindi ako nagtanong kung bakit ginaya nito ang aking hitsura, as long as I can see her smile and she's happy ay masaya na rin ako para sa kanya.

Hininto nito ang jeep sa harap ng isang five story building, three blocks away from the College of Construction Management, or RCM. May mga taong nakatambay sa side entrance ng building at sa tingin ko ay mga estudyante, marahil ay mga college students. Nabasa ko ang pangalan ng building, CCM Dormitory. Ah, nasa dorm sila but what are we doing here? May kakilala ba si ate Ren dito?

Ate Ren parked the jeep and unbuckled her seat belt at saka humarap sa akin. 

"An, stay here and don't ever get out, OK? I'll be right back. Kapag inantok ka matulog ka muna, gigisingin kita pagbalik ko. Don't get out, naintindihan mo?" masigla pa ring sabi nito.

 "Opo ate." Sagot ko na lang. I watched her entered the building and I waited for half an hour watching the entrance but she's not back. Nakaramdam ako ng antok at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.


Naalimpungatan ako. I opened my eyes and found ate Ren at the driver's concentrating in driving. Napansin nito akong nakatingin sa kanya.

"Sorry, nagising kita, tulog ka na ulit, gigisingin kita pag nakarating na tayo sa bahay."

 I looked at the time sa dashboard ng jeep, One o'clock!? I looked at her again to ask but she appeared tired and lethargic, nakaramdam ako ng pag-aalala. Mabuti na lang at malapit na kami sa bahay. She was still able to park the jeep properly in the garage. Inalalayan ko siyang bumaba, hanggang sa makarating kami sa kanyang kuwarto.

"An, hand me my med please, hurry..." Nakangiwi nitong sabi.

Mabilis kong iniabot sa kanya 'yong box ng mga gamot nito. She quickly grabbed them and took them immediately without waiting for the water. Mabilis kong iniabot 'yong tubig sa kanya at saka lang nito iyon ininom.

 Hinablot nito 'yong wig paalis sa kanyang ulo at saka pasalampak na pinulupot ang sarili at malayang umungol at sumigaw sa sakit na nararamdaman. Lumakas ang kanyang sigaw. Lumakas din ang kanyang pag-iyak. Hindi pa rin ako sanay na makita itong ganoon, maging ako ay naiiyak at nasasaktan sa nakikita. How could someone bear that kind of pain?

 Ate Ren knelt on her bed and faced the headboard and started hitting her head on the board, it was terrifying! Mabilis akong lumapit dito at pinigil ito sa ginagawa. Niyakap ko ito ng mahigpit at hinaplos-haplos ang kanyang likod. I hummed her favorite song to soothe the pain she's feeling though I was not even sure if it'd help.

SGANF #3: Shh, I Have A SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon