Chapter 16

8.6K 249 4
                                    


            "Leo." Matigas na bungad ni Nathan sa likuran ko.

            Tumawa lang si kuya Leo at saka kumindat sa akin. 

  "Nagselos agad oh, sabi ko sa iyo eh." Ngiti pa nito sa akin.

            "Bakit ikaw lang ang nandito, asan si Chris?"

            "Chris went to the hospital, manganganak na kasi misis niya kaya ako na lang ang magbibigay sa iyo nung blue print. Here they are."

            "Eh di sana pala pinagpaliban na muna nating magkita hanggang sa pwede na si Chris, mas may tiwala ako dun na magexpalin nitong blue print sa akin kaysa sa iyo." Umupo si Nathan sa tabi ko, sobrang katabi ko na halos wala na kaming gap. Naramdaman ko pa ang pagdikit ng braso nito sa akin. Medyo naalangan ako sa init na nadama mula dito.

            "Tado, expertise ko yan, assistant ko lang si Chris, upakan kita diyan eh. Ang sabihin mo ay ayaw mo lang ipakita sa akin si baby girl ko." Ngumiti uli ito sa akin.

            "Stop that." Tila galit na saway ni Nathan dito.

            "Ano ka ba, baby girl ko na siya bago mo pa siya naging boo kaya ikaw ang manahimik diyan."

            "Leolyle Castillo, I am warning you." Galit na talaga si Nathan.

            Sumuko naman si kuya Leo at itinaas pa ang dalawang kamay kay Nathan. 

 "Alright, alright, namiss ko lang si An, tagal ko kasing di siya nakita eh. Ayaw mo talaga siyang i-share? Damot mo ha." biro pa nito.

            Tumayo si Nathan at saka ako hinila sa braso at iniwan si kuya Leo, he waved at me goodbye while laughing to himself. Ang pikon naman pala ni Nathan, parang hindi marunong makipagbiruan sa kaibigan parang noon, ito pa nga ang madalas mamikon kay kuya Leo kapag naglalaro sila ng basketball.

            "Nathan, bakit natin iniwan si kuya Leo? Hindi ba at siya ang dinayo natin dito sa Laguna?"

            "Hindi siya, we came here to work and not to play with him. Do you have a crush on him?" tumigil ito sa paghakbang at saka ako hinarap, his eyes were furious. Medyo napaatras ako. Wala na naman ba ito sa mood?

            "Of course not. Natuwa lang akong makita siya dahil siya lang ang medyo naging close ko noong kabataan ko."

            Lalong kumunot ang noo nito. 

 "So, totoo ngang madalas ka sa bahay nila noon?"

            "Hindi sa bahay nila mismo, sa fishpond nila dahil doon ako nangingisda and kuya Leo taught me how to fish and I learnt how to cook some from him."

            Pinisil nito ang hawak niyang kamay ko, nasaktan ako. Pagkatapos ay binitawan nito iyon at saka binuksan ang pintong nasa harap namin. Nasa isang cottage kami sa beach, hindi ko alam na nagrent siya.

            "Get inside." galit nitong sabi.

            Sumunod naman ako kahit medyo kabado. Kanina lang ay ang bait nito nung papunta kami dito, ngayon ay parang nakakain ito ng siling labuyo sa galit. Ang galing nitong magpalit ng emosyon, hindi ko mahabol, nakakalito.

            "I was trying to be patient till you remember what happened the other night but I don't think you'll remember them if I don't remind to you." Kinalas nito ang butones ng poloshirt na suot, hanggang sa mahubad nito at tumambad ang matipuno nitong katawan. Napalunok ako. 

SGANF #3: Shh, I Have A SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon