Chapter 4

8.9K 240 22
                                    


"AN, may bisita ka." Katok ni Manang Lydia sa kuwarto ko. 

Ito ang maybahay ni Manong Andoy at silang dalawa na lang ang naiwan sa bahay, 'yong ibang mga katulong ay umalis na dahil wala ng masyadong gawain sa malaking bahay since ako lang naman ang nandoon.

Napamaang ako. Bisita? Ako may bisita? Of course I'm surprised dahil kahit kailan ay hindi ako tumanggap ng bisita at hindi rin kasi ako palakaibigan. Mailap kasi ako at hindi palakibo kahit sa school. I prefer being alone and I have my own world to fill in. Pihikan din kasi akong tao, kaya hindi ako basta nagtititwala at naniniwala agad sa mga nakikilala ko.

Mabilis akong bumaba ng hagdanan dahil sa curiosity ko kung sino man ang bumisita sa akin. He's in the spacious living room standing facing the portraits hanging a the wall. At kahit nakatalikod siya sa akin I know it's Nathan. Nakaukit na kasi sa utak ko ang kanyang built at buong itsura, mapalikod man o mapaharap.

"Anong ginagawa mo rito?" medyo high pitch ang aking tinig dahil sa nerbyos. 

Una ay dahil hindi ko siya binigyan ng permiso para puntahan ako dito sa bahay ng walang paalam sa may-ari na masyado kong nirerespeto. Pangalawa ay yung presensiya niya ay ayokong pagtuunan ng pansin dahil ginugulo nito ang aking isip at puso. At pangatlo, somewhere deep inside me I know, things won't be simple anymore.

"Dinadalaw ka." Nakangiti siyang humarap sa akin at iniabot ang dala-dalang mga bulaklak, they were white roses and fresh from the garden dahil halata sa pagkakaputol sa stems ng mga ito.

I noticed his fingers covered with band aids, marahil ay inalis ng mga daliri nito ang tinik sa mga rosas. Humaplos iyon sa aking puso but I didn't show it.

"May nakalimutan akong itanong. Buti at alam ko na kung saan ka nakatira para puntahan hindi tulad noon na halos mabaliw ako kung paano ka kokontakin dahil na-realized ko na wala man lang akong kaalam- alam tungkol sa iyo kung hindi ang mukha mo at ang una mong pangalan which is An. Baka nga hindi rin An ang buo mong pangalan eh kasi hinanap kita sa social media pero hindi kita makita."

Nakatingin lang ako sa kanya, pareho kaming nakatayo paharap sa isa't-isa. Nagulat pa ako ng magsalita si Manang Lydia para itanong kung may gusto kaming inumin o kainin.

"Salamat po Manang Lydia pero busog pa po ako pero kung okay lang po gusto ko po ng kahit juice mayro'n kayo." Nakangiti nitong sabi.

Kung magsalita ito ay parang close na ito agad kay Manang. Tumanggi ako ng ako naman ang tanungin ni Manang.

"Hindi mo ba ako pauupuin?" nakangiti pa rin ito.

Hindi ako umimik subalit sumenyas na maupo siya. Hindi ako umupo, nakatayo pa rin ako sa gilid ng sofa, nakatingin sa mga rosas na binigay niya sa akin. Bumalik si Manang at inilagay sa mesa 'yong isang pitsel ng orange juice na nasa tray, isang baso na may laman at 'yong isang baso na walang laman para sa akin. Napangiti ako kay Manang at nagpasalamat.

"Hindi ka ba uupo?" sabi niya habang uminom ng konti mula sa kanyang juice.

"Bakit ka nandito? Hindi kita inayang pumunta rito. Hindi ka pwedeng pumunta rito ng walang pasabi." Tuloy-tuloy kong sabi.

Medyo kumunot ang kanyang noo at nawala ang kanyang ngiti. 

"That's the other reason why I came. The number you gave is not working anymore so I came to get an active one. At katulad ng sinabi ko kanina, gusto kong malaman ang tunay mong pangalan or ang buo mong pangalan, and also, now that I found you.." he paused and gazed at me intently its making me uncomfortable, "hindi ako makapapayag na mawala ka uli sa akin."

SGANF #3: Shh, I Have A SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon