Chapter 9

7K 199 24
                                    


"HI, boo!" masiglang bati ni Nathan.

Nasa labas ito ng gate at nakasandig sa kanyang kotse at mabilis na tumakbo pasalubong sa akin ng papalabas na ako ng gate ng school namin.

"Anong ginagawa mo dito?" napahigpit ang hawak ko sa aking bag at medyo umatras ng palayo sa kanya.

Ilang beses ko ng sinabi sa kanya na huwag niya akong pupuntahan sa school dahil nahihiya ako subalit hindi yata talaga ito marunong makinig.

"Boo naman, graduating ka na at saka matagal ko ng gustong gawin ito, ang sunduin at ihatid ka sa school mo, ilang lingo lang naman ay magtatapos ka na, hayaan mo na ako, please? At saka hindi mo kasi sinasagot yung mga text ko at tawag kaya nag-alala ako." He took my belongings and helped me carry them at saka hinawakan ng bakante niyang kamay ang aking kamay habang patungo kami sa nakapark niyang kotse.

Nakatingin sa amin ang ilang kaklase kong nakasabay na lumabas at yumuko akong lalo na para bang sa ganoong paraan ay maitatago ko ang aking mukha dahil sa matinding kahihiyan.

"Pasok na, boo." Nguso niya sa pintong binuksan pagkatapos ilapag sa back seat ang mga gamit ko. Mabilis siyang tumakbo papasok sa driver's at saka pinaandar ang sasakyan.

"Boo, kain tayo sa labas, trip ko mag-french fries eh, okey?" he smiled the sweetest he could give, nangiti ako sa kanya at saka tumango.

Muli niyang hinawakan ang aking kamay at hinalikan iyon habang ang isa nitong kamay ay nasa manibela.

"Nasa Amerika pa rin ba parents mo, boo?"

Hindi ako umimik, subalit tumango ako. Saying yes would be adding to the lie which I did not deny saying they really were.

"Pwede ka mag-over night, boo? Promise wala akong gagawin, gusto lang kitang yakapin ng buong gabi hanggang umaga."

Tumango uli ako. Namiss ko rin kasi siya pero hindi ko naman masabi. Ang sarap kasama ni Nathan, maalaga, laging nakasubaysay sa mga ginagawa ko, laging naroon sa tuwing kailangan ko. Laging nakangiti, gentleman, gwapo, responsable, may kaya, ano pa nga ba ang hahanapin ko sa kanya? Too bad he's not mine alone, and worse, hindi rin ako ang una.

Matapos kumain sa McDonalds ay naglakad-lakad muna kami sa mall. Kung anu-anong tinuturo niya at balak bilhin para sa akin pero tanggi naman ako ng tanggi. Ang kulit nito, cute na makulit. Hinila niya ako sa jewelry store at pagkapasok pa lang namin sa sliding door ay binati na siya agad nung staffs na parang kilala siya doon.

"Good evening Mr. Rojas, as promise it's been prepared and ready for you." Said the manager wearing a black suit. Ngumiti si Nathan at saka kumindat sa akin.

Nakaupo kami sa waiting corner at hindi mapalis-palis ang ngiti ni Nathan habang hinihintay namin yung manager. Hinalikan niya uli yung kamay ko at gusto ko ng mailang kasi sobrang sweet niya at baka langgamin na talaga kami. Nagpapasalamat lang talaga ako dahil hindi ako nakaschool uniform ngayon kung hindi ay lalo akong mahihiya.

Bumalik yung manager na may dalang isang black box in a rectangle shape. Tumayo si Nathan para salubungin ito na para bang hindi na makapaghintay. Matapos iabot ng manager yung box kay Nathan, humarap siya sa akin at saka ngumiti ng maluwang.

"Happy graduation, boo. Gift ko sayo, hope you like it." And then he opened it.

It's a gold string bracelet with my name 'Jianne' engraved on each charms in it. Ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong regalo at nakadama ako ng kasiyahan.

"Do you like it? Let me put it on for you." Kinuha niya iyon at isinuot sa akin.

"You don't have to do this, Nathan. This is too much."

SGANF #3: Shh, I Have A SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon