Chapter 10

7.2K 198 14
                                    


YOU used to jump immediately as if the time would run out.'Naalala kong sabi niya kanina.

Nilapitan ko siya sa pagkakasandig niya sa pinto habang matamang sinundan ang bawat galaw ko. Nanginginig pa rin ako subalit tumulong ang isang lata ng beer na ininom ko kanina bago ito pumasok. Iyon ang unang pagkakataong nakatikim ako ng beer at dahil hindi ako sanay, nakaramdam ako ng konting hilo. Natapilok ako sa kung anumang nakakalat sa sahig subalit agad naman niya akong nasalo at niyakap niya ang aking baywang.

"Nathan--Nate, galit ka?" nakatingala ako sa kanya, gustong pumikit ng mga mata ko subalit pinilit kong dumilat dahil may misyon akong dapat gampanan. Hindi ko dapat inubos yung isang lata ng beer.

"Are you drunk?" binuhat niya ako at inilapag sa kama.

"Hindi. Tipsy ba tawag dun? Tipsy lang ako."

"Hindi ka kasi sanay uminom eh bakit ka uminom?"

"Galit ka kasi."

"Hindi ako galit, boo. Kahit kailan ay hindi ako magagalit sa iyo. Tampo siguro oo, pero hindi ang magalit."

"Nagtatampo ka pa? Sorry na, Nathan-ay, Nate pala." Humagikgik ako.

"You really are drunk, kung anu-ano na ang sinasabi mo." Nakatagilid siya sa akin at nakatalungko sa kanyang kamay habang pinagmamasdan akong nakahilata sa kama.

"Pero ang cute mo pa ring tingnan." Kinurot niya ang aking ilong.

Hinawakan ko ang daliri niyang kumurot sa ilong ko at dinala ko iyon sa aking bunganga at kinagat. Nanatili iyon sa aking bibig at tiningnan ang kanyang reaksyion kung masasaktan ito subalit hindi ko siya nakakitaan na nasaktan siya kaya mas kinagat ko pa iyon ng madiin. Medyo ngumiwi siya subalit hindi pa rin niya binawi ang daliri. Mas lalo kong diniin ang pagkagat at nasaktan na siya subalit hindi pa rin niya binawi ang daliri.

Nainis ako kaya sumandig ako sa aking mga kamay at pumatong ako sa kanyang dibdib, kinuha ang kanyang kamay at saka ko siya kinagat uli sa likod ng kanyang palad.

"Aray, boo, bakit mo ba ako pinanggigigilan?"

"Eh hindi ka kasi umaaray kaya kagat ako ng kagat hanggang sa umaray ka."

Tumawa siya at kinuha ang aking buhok na tumatakip sa aking mukha at hinawi iyon.

"Eh bakit mo ba ako gustong saktan?"

Hindi ako agad nakaimik. It's funny how that one simple question has meaning behind it. Nakaramdam ako ng guilt.

"Para mapansin mo rin ako."

"Huh? Ano ikamo, boo?"

"Kailangan kitang saktan para mahalin mo rin ako. Kailangan kitang saktan para mapansin mo rin ako. Sorry kasi masasaktan ka pero maniwala ka, mahal na mahal kita at hindi ko intensiyong saktan ka."

"Boo, ano bang pinagsasabi mo? Hindi ka dapat umiinom hayan tuloy."

"Nathan-Nate, sorry." Mahigpit ko siyang niyakap. Ang init ng kanyang katawan at tibok ng kanyang puso na nararamdaman ko ay lalong naghatid sa akin ng sakit.

Itiningala niya ang aking baba at saka nito pinunasan ang aking luha.

"Boo naman, huwag kang umiyak please, naiiyak na rin ako eh. Ano bang dinidibdib mo ba't di mo sabihin para matulungan kita?"

Umiling-iling ako. Muli niya akong inihiga at siya naman ang pumatong sa dibdib ko at sinuklay-suklay ang aking buhok.

"I really love your hair, your beautiful eyes, your nose and your lips. I love your face and everything about you. Gusto kitang laging nasisilayan bawat araw ng buhay ko."

SGANF #3: Shh, I Have A SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon