The Present

9.3K 258 8
                                    

THE PRESENT with       Khime and Benjamin

                                          Cassey and Ruel

                                        Jianne and Nathan

            "Mahal kita." Nathan said.

            Jianne looked at him as if she heard it wrong.

            "Sa tingin mo ipagpipilitan ko ang sarili ko sa iyo kung wala akong nararamdaman para sa iyo? Dammit Jianne, I forcefully took you because I don't want you to leave me anymore. Kahit hindi ako sigurado sa damdamin mo para sa akin ay ipinagpilitan ko pa rin ang sarili ko sa iyo. Ako sigurado ako sa damdamin ko sa iyo pero ikaw, hindi ko alam kung ano ba ang totoo sa puso mo. Ano ba talaga, ha?" Nathan's face softened and his reaction deepened and pained.

            "Ako ba ang talagang mahal mo at hindi si ate Ren?"

            "Like I said, ikaw ang una kong nakita, ikaw ang una kong minahal, at ikaw lang din ang minahal ko. Sumulpot man si Renalyn sa katauhan mo, ikaw pa rin ang kinilala ng puso ko, ang ginusto kong maging akin, ang inangkin ko ng buong puso."

            "But you left when you found out about it."

            "Because it was hard to take. I just couldn't take it. To think I loved you the whole time and yet I was not so sure about yours at kung totoong may damdamin ka nga ba sa akin o napipilitan ka lang dahil sa utos ni Renalyn. Katulad ng kung paano mong pagdudahan ang damdamin ko kung sa iyo nga ba o sa kanya."

            "Kailan pa? Kailan mo pa nalamang ako ang talagang mahal mo at hindi siya?"

            "Mula pa noong una kong mapansin ang panonood mo sa amin ni Leo sa paglalaro ng basketball, minahal na kita doon. At lalong tumibay ng malaman kong ikaw ang katext ko, or si Renalyn sa katauhan mo, but still, para sa akin ay ikaw iyon. Hindi man ikaw ang nasa ibang mga pagkakataong iyon, sa puso ko ay ikaw pa rin. Noon, hanggang ngayon ay ikaw pa rin."

            Saglit silang nagtitigan. Si Nathan ang unang bumasag ng katahimikan sa pagitan nila.

 "I love you Ms Jianne Marie Sandoval." alanganing ngumiti ito.

            Dumaloy ang isang butil ng luha sa pisngi ni Jianne, pagkuwan ay sumilay din ang maikling ngiti sa labi nito. 

 "Mahal din kita, ikaw lang din at wala ng iba."

            Marahang lumapit si Nathan sa kanya at saka hinawakan ang kanyang mukha at pinahid ang kanyang luha. 

 "Say it again."

            "Mahal din kita."

            "Yung buong sentence."

            "Mahal din kita at walang iba, ikaw lang."

            He smiled before he gave her a kiss, a very passionate and long one. Cassey had to break them apart and get their attention to stop. Pareho silang humihingal at naghabol ng hininga nang pakawalan nila ang isat isa.

            "So, tapos na ang misunderstanding ninyo?" Cassey started.

            Nahihiyang tumango si Jianne habang panay ang mumunting halik ni Nathan sa kanyang kamay. Pinamumulahan ito ng pisngi dahil sa ginagawa ni Nathan sa harap ng kanyang mga kaibigan.

SGANF #3: Shh, I Have A SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon