Chapter 18

8.1K 238 6
                                    


            "Dammit!" mura nito.

            Inayos ko ang sarili, pati ang nagulo kong buhok. Humarap ako kay Nathan na nakatayong nakasandig ang katawan sa salaming dingding. Galit ang reaksiyon nito at patuloy sa pagmumura.

            "Nathan—-"

            "What now!?" he yelled.

            Hindi ako nagulat, o natakot. Nasanay na ako sa kanya.

  "I'm sorry."

            "For what, huh? Saan ka nagso-sorry? Ipaliwanag mo para malaman ko."

            "Sa lahat."

            "Put'na! Sabihin mo! Don't play riddles with me dahil hindi ko kayang basahin ang isip mo."

            "Teresa is coming back, paano ako?"

            He jeered at me while his eyes were furious. 

  "Paano ka? Hindi ba at may plano ka? Aren't you leaving for America? You're leaving and you're asking paano ka?"

            Napalunok ako. How did he know that? Saglit akong hindi nakaimik. Hindi alam kung anong sasabihin. Magpapaliwanag ba ako?Kailangan ba?

            "Nasanay ka nang nangiiwan, An, at sinanay ko na rin ang sarili kong palaging naiiwanan. So huwag mong ipangalandakan sa akin ang pagibig mo dahil hindi nakakatuwa. Lalo lang akong nawawalan ng tiwala sa sinasabi mong pagibig."

            "Hindi ko sinasadya. Hindi ko alam na papansinin mo uli ako. Hindi ko alam na aabot tayo sa ganito. Ang gusto ko lang ay ang makita ka kahit sa malayo kahit saglit lang bago ako umalis. Gusto ko lang mahalin ka uli kahit imposibleng mahalin mo ako. Patawarin mo ako kung patuloy kitang nasasaktan, hindi ko talaga sinasadya."

            "You came here to do what? How can I not notice you when every angle of you screams your desire to posses me, An? You make me limp every time you smile. You make me useless every time you're near. You're doing it time and time again, sinasanay mo na naman ako and I hated myself for it. Dammit! Wala ka nang ibang alam gawin kung hindi ang saktan ako. I hate you, An!"

            "I'm sorry." Oh god, oh god!

            "I don't need your sorry ass, An. Hindi kita mapapatawad hangga't nandirito ang sakit. Hangga't nararamdaman ko ang galit, I can never forgive you."

            "How can I stay if you don't love me, Nathan? Lalo ka lang mamumuhi sa akin. Mas makabubuting lumayo na lang ako."

            "If you don't want me to hate you forever, stay. You can possess me all you want. You can have me, I can give you everything, lahat lahat, I can even give you marriage, yes, I can marry you and give you my name, but not my heart. I'll be damned kung pati iyon ay ibibigay ko pa sa iyo. Tama na ang minsan na niloko mo ako. Hinding hindi na muulit iyon."

            Ahh, he's proposing. He proposed in a different way, in the most painful way. I deserved it, all of it. Pero ang sakit, ang sakit naman. Pero mas nasasaktan ko siya. At tama lang na wala akong karapatang angkinin pati puso niya, tama na ang mga sakit na ibinigay ko sa kanya. Ayoko nang saktan siya. Tama na ang ganito, sapat nang sa ganito na lang kami. Ayoko ng hangarin ang bagay na para sa kanya lamang.

SGANF #3: Shh, I Have A SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon