Chapter 15

8.8K 239 7
                                    


"Is that how you see me as? Workaholic?"

"Sobra! Kahit nga kumain ay wala kang panahon, pwera na lang siguro kapag ginutom ka na talaga."

"Kaya ba hindi ka rin nagkakakain dahil sa mga work na ibinibigay ko sa iyo?"

I did not answer. Sa halip ay napalunok ako dahil napansin kong matiim niyang tinititigan ang aking marka sa leeg.

 "Magbibihis na ako."

 "Go ahead." He folded his arms and stayed there still.

  "I need a privacy."

 "Privacy?" He sighed. "Alright." He moved and I felt relieved because he was leaving, that's what I thought but instead, he shut the door and faced me again. 

"Hayan, nakasara na ang pinto."

What?  "You're still here." Kinakabahan kong sabi.

"Ah, you mean you want me out?" 

"Oo dahil magbibihis ako."

 "Don't be shy, nakita ko na iyan kagabi, for the second time."

 Ano raw?! I swallowed hard. Anong ginawa ko kagabi? Anong nangyari na hindi ko maalala? Ohmigosh, was I too drunk to remember anything? I forced my brain to remember them but I just can't.

"Gusto mong ipaalala ko sa iyo?"

Ang alin? Oh god, bakit ba ako uminom, nagwala ba talaga ako?

Tumawa ito. 

"Paliitin mo nga iyang mga mata mo at baka sumabog na sa sobrang panlalaki. Relax alright, walang nangyaring nakakahiya, lahat ay kaaya-aya."

I sighed of relief, mabuti naman dahil hindi ko mapapatawad ang sarili kung sakali.

"But you slept on me after you got me excited."

"Anong ibig mong sabihin?"

 "Soon, you'll remember." Binuksan niya ang pinto at saka lumabas para iwanan na ako.

Nagtataka pa rin ako at pilit iniisip ang mga pangyayari habang nagbibihis. Hindi ko talaga maalala, ang huling naaalala ko ay ang paghingi ko ng alak sa bartender at pagkatapos ay wala na. Ipinilig ko ang ulo at saka lumabas para habulin si Nathan.

"I told you to rest. You can stay here for a day if you want but I need to go. Ihahatid ko pa si Amanda sa Manila at sa makalawa na ako babalik. Since its Friday why don't you enjoy your weekend here?" huminto ito sa paglakad at humarap sa akin, naghihintay ng sagot.

 Ihahatid niya si Amanda at hindi babalik ng dalawang araw? I feel sick. Nahihilo ako. Ang sakit ng dibdib ko.

"Jianne, ihahatid ko lang siya at pagkatapos ay dadaanan ko ang branch office natin doon at may aasikasuhin at saka ako babalik at earliest possible. Hindi kita pwedeng isama dahil mukhang hindi maganda ang pakiramdam mo at kailangan mong magpahinga." He said exasperatingly.

 At kung bakit naman humaplos iyon sa aking puso na nagdulot ng luha sa aking mga mata at hindi ko iyon napigilan.

"Jesus An, don't cry. Ganyan ka ba kaselosa?" he chuckled.

Lalo akong naiyak dahil tinawanan niya ako. I hate myself for showing this side of me in front of him. Ang tangang tignan. Tinatawanan lang niya. Tinawag pa niya akong An. And to think I told myself to let go of this feelings pero ang hirap simulan.

"I'm sorry Mr Rojas. Next time I will make sure not to drink when we're on business trip."

Natawa ito at saka ako pinakatitigan. 

SGANF #3: Shh, I Have A SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon