Media: Shin Min Ah as An/Jianne
"YES! I won, 'tol, mauuna akong diskartehan si Alaina." tatawa-tawang sabi ni Nathan, short for NATHAN DANIEL ROJAS. He is almost six feet tall, medium body built, a medium wavy hair style, a face with square jaw, wide stable brawny nose, thin lips and big hands strongly holding the basketball ball after doing a three point shot in a one-on-one game with his best friend, kuya Leo.
"Andaya mo 'tol, 'di counted iyon, tinabig mo ang kamay ko eh." complained kuya Leo.
"Tapal ang tawag do'n, 'tol, tapal. Hindi mo lang kasi naagaw eh kaya 'wag ka ng magreklamo diyan. I won the bet kaya ako ang didiskarte kay Alaina."
"Oo na, lagi ka namang nananalo eh, ayaw mo man lang magpatalo."
"Kaya nga best friend mo ako eh, I always play fair and square, in love and in war, sabi nga." tumawa pa ito lalo.
"Pero ako ang type ni Alaina, ano'ng gagawin mo?"
"And how did you know that?"
"Feeling ko lang, kung makatitig sa akin eh halatang type niya ako."
"Ulol, tinitingnan ka no'n dahil gustong magpalakad sa'yo para sa akin."
"Lakas talaga ng kumpiyansa mo sa sarili mo ha?"
"Iba na ang guwapo, pre." nagpacute pa si Nathan kay kuya Leo.
Nagtawanan sila. Nangiti ako sa kanila, mostly kay Nathan. Pati mga mata niya ay nakatawa. Nasa basketball court sila sa park inside the subdivision where we live. Kapitbahay namin 'yong best friend niyang si kuya Leo, two houses away from ours, and Nathan lives outside the subdivision. Madalas itong dumalaw sa kaibigan at dito ko rin sila madalas pinapanood sa tuwing maglalaro sila ng basketball.
"An?" I heard a voice calling me from behind.
"Ate Jam!" masaya akong lumapit at yumakap sa ate ko.
"Anong ginagawa mo rito? Alam ba ni Ren na lumabas ka?"
"Opo 'te, siya ngang nag-utos sa akin na bumili nitong cupcake eh." at saka ipinakita sa kanya ang hawak na isang supot ng cupcakes.
"Ok, we should head back at baka hinahanap ka na niya." she patted me on my head like she always does every time she sees me.
"Akala ko hindi ka uuwi this time, 'te?" kinain ko ang kornik na binili ko rin, ginamit ko ang sukli, sa akin na raw sabi ni ate Ren eh.
"Nag-text sa akin si ate Ren mo, mukhang depress na naman siya eh kaya kailangan lang siguro niya ng makaka-kuwentuhan."
Napabuntunghininga ako at itinuon ang pansin sa kornik na kinakain ko.
"Kumusta na ang progreso niya, may pagbabago ba?"
"Hindi ko po alam. Dumalaw 'yong doctor niya kagabi at pinilit sina Tita at Tito na ibalik sa ospital si ate Ren pero hindi siya pumayag, nagwala nga eh at hindi na naman nagkakakain kaya hayun, nagkukulong lang uli sa kuwarto niya. Tinext niya akong bumili ng cupcake, nagutom din siguro." nangiti ako.
"Are you being good to them? Tumutulong ka ba sa gawaing bahay? Nag-aaral ka bang mabuti?" sunod-sunod nitong tanong.
"Huwag kang mag-alala ate Jam, hindi ako nagpapabaya sa tungkulin at pag-aaral ko. Alam ko naman kung saan ilulugar ang sarili natin."
BINABASA MO ANG
SGANF #3: Shh, I Have A Secret
ChickLitShe took the identity of someone he loved. And paid a high price for the love that was not hers. SGANF #3: JIANNE in Shh, I Have A Secret #65-062217 ** This is dedicated to my dearest best friend @IanneSumagay...hugs &kisses, muah! ...