Nathan's Story
"Bakit nandito na naman tayo? Naghihintay na yung tropa sa basketball gym. Tara na Nathan." Saway ni Leo sa akin. Nasa park uli kami sa loob ng subdivision nila.
"Sandali lang, twenty minutes okay."
"Sino bang tinitignan mo diyan at kanina ka pa parang may hinihintay?" nakitingin din ito sa labas ng bakuran ng park pero agad kong hinarang ang tingin nito.
"Wala! Lika, one on one uli tayo. Kapag nanalo ka, sa iyo na si Alaina."
"Wag na, ulol. Syota pala iyon nung coach natin tapos ipapasa mo sa akin dahil dinale mo na, ayokong maumbagan no." tatawa-tawang sagot nito.
"Ex pare, ex siya ni coach at saka hindi ko siya dinale, hindi ko pala type, ang kapal magmake up eh, sa malayo lang pala maganda."
"Tado!" nagtawanan kami. Napansin ko ang ang isang babaeng nakatanaw sa may bakuran ng park at nakatanaw sa amin. May hawak itong cellphone at parang kinukunan kami ng pictures. Lalo akong ngumiti at naghandang mag-three point shot.
"Ang daya mo pre, bigla ka na lang nagtatatalon diyan na parang nagpapasikat ah." Sigaw nito.
Natawa lang ako. Napansin kong nawala na yung babae at saka ako tumigil sa pagdribble ng bola.
"Tara na sa gym."
"What? Teka pabawi muna ako."
"Huwag na, wala na yung hinihintay ko eh."
"Anong hinihintay?"
"Wala. Tara na." Umangkas si Leo sa likuran ng motor ko at bago ko iyun pinaandar ay nilingon ko pa yung babaeng naglalakad palayo sa park.
Nasa kuwarto ako at dahil weekend, walang masyadong tao sa boarding. Madilim na sa labas at kaalis lang ni Leo para sa date nito. Magkatapat lang kami ng kuwarto at yung sa amin ang pinakamalaki, bukod sa may sariling banyo pa. Siyempre doble din ang upa namin. Katatapos ko lang magshower nang tumunog ang aking cell. Nangiti ako at mabilis na tinignan iyon. It was from An.
My heart jumped when she sent a picture that I have been asking ever since we started texting with each other. Hindi ko alam kung paano nito nakuha ang aking number at hindi ko sana papansinin pero nakakatuwa lang kasi ang mga text nito. Humingi ako agad ng picture nito pero tumanggi ito, subalit ngayong gabi ay binigyan niya ako.
Lalong lumapad ang aking ngiti dahil kilala ko ang nasa picture. To think the girl I have been dying to meet is the same girl I have been texting. Oh, An, ikaw pala siya!
Nobody's here, me lang. I replied.
Medyo kinilig pa ako dahil natutuwang malaman na ito pala siya.
Can I come?
Nagwala na ang puso ko. She wants to come here? Kung anu-ano ang pumasok sa aking isip subalit agad ko ring ipinilig iyon.
Sure, kung gusto mo
Ok, B der in 25 mins
BINABASA MO ANG
SGANF #3: Shh, I Have A Secret
ChickLitShe took the identity of someone he loved. And paid a high price for the love that was not hers. SGANF #3: JIANNE in Shh, I Have A Secret #65-062217 ** This is dedicated to my dearest best friend @IanneSumagay...hugs &kisses, muah! ...