Saglit akong natigilan. Ganoon din siya. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at saka tumayo at nakipagtitigan. Taas baba ang kanyang dibdib.
He said 'I love you.' Did I hear it right? He was just staring at me, gusto kong itanong kung lumabas nga iyon sa kanyang bibig.
"Nathan-"
"Don't ask, please." And then he went out of the room.
He loves me.
My phone rang. It's ate Jam. Sinagot ko yung tawag at nagtanong ito tungkol sa itinext ko sa kanya. Sinabi kong hindi na ako aalis at magpapakasal ako kay Nathan. At first ay nagulat ito, subalit hindi na ito nagtanong ng marami. Ipinaliwanag ko lang ang dapat nitong malaman. Hindi ko isinali ang tungkol kay ate Ren. I just told her na nagkahulugan kami ng loob ni Nathan and decided to get married since we both love each other. Ate Jam promised to come back on my wedding day. Kahit paano ay na-excite ako sa planong pagpapakasal kay Nathan. Siguradong uulanin ako ng mga tanong ng aking mga kaibigan kapag nalaman nila ang tungkol sa amin ni Nathan, lalo at kasalan agad ang maririnig nila ganoong anim na buwan pa lang kaming nagkakasama. To think I came here to work, but instead, I caught the number one bachelor in town.
"Boo.."
Napalingon ako kay Nathan na nasa harap ko na pala.
"Yeah?"
Umupo siya sa tabi ko sa kama at may ibinigay sa akin. Inilagay niya sa aking palad ang isang singsing na white diamond, a plain band with tiny stones inside glittering against the light.
"Thank you for accepting my proposal."
Kinuha niya yung singsing at isinuot sa aking daliri. Napansin ko ang letrang nakaukit sa pinakagitna ng band na pinaggigitnaan ng mga nakaukit na bato, it's the letter 'J'.
"Nathan?"
"Do you like it?"
Tumango ako. Pinahid niya ang aking luha.
"Para sa iyo lang iyan. Ikaw lang at wala ng iba."
I love you. Muntik ko ng nasabi buti at napigilan ko ang sarili. This is enough. Seeing him smile is good enough for me. Hindi man niya masabi, kahit paano ay nararamdaman ko na mahalaga ako sa kanya, at least iyon ang gusto kong isipin.
"Pupunta ako sa Tuguegarao next week, I will meet my friends. Gusto mong sumama?"
"Sure. Gusto kong makilala ang mga kaibigan mo at marinig sa kanila ang college years mo."
"There is nothing interesting, lahat boring. Wala akog ginawa kung hindi ang pagaaral at trabaho ko."
"Really? Walang nanligaw sa iyo kahit isa?"
"As in wala. I'm not as pretty as my best friends."
"Bull. Not true."
"Just wait till you see them, lalo na si Cassey. I'm very excited to see my best friends again. It's been half a year, kumusta na kaya sila?"
"Mayroon akong relatives sa Tuguegarao at bakante yung bahay nila ngayon dahil nasa bakasyon sila, gusto mo doon tayo tumuloy?"
"Saan banda?"
"Sa Majestic Hills, I don't know if you have heard of the place."
Napatingin ako sa kanya. At bakit hindi ko maririnig ang pangalan ng subdivision na iyon eh puro mayayaman kaya ang nakatira doon. Palakihan at pabonggahan ang mga bahay na parang nakikipagkumpetensiya ang bawat isa. Tumango ako sa tanong niya.
BINABASA MO ANG
SGANF #3: Shh, I Have A Secret
ChickLitShe took the identity of someone he loved. And paid a high price for the love that was not hers. SGANF #3: JIANNE in Shh, I Have A Secret #65-062217 ** This is dedicated to my dearest best friend @IanneSumagay...hugs &kisses, muah! ...