Chapter 5

8.4K 234 19
                                    

Chapter Five


 "Ikaw ay ako, at ako ay ikaw, iisa lang tayo."

   Ate Ren!

 "An, gising!"

 "Ate Ren!"

  "It's me, An, ate Jam mo." Hawak ako sa magkabilang braso ni ate, halatang pinilit akong gisingin.

 "Nananaginip ka. Basa ka ng pawis. Teka at ikukuha kita ng ibang t-shirt para makapagpalit ka."

 "Ate Jam, bakit hindi nagawang mahalin ni Nathan si ate Ren?" mahina kong tanong.

 Saglit siyang hindi umimik na para bang naghahanap ng maisasagot.

 "I don't know An. Hindi naman kasi pwedeng ipilit at diktahan na mahalim ang isang tao. Kusa kasi itong titibok  sa taong nakatadhana para sa atin. I know it's unfair for Ren but only God knows why and we can't question Him for that, siya lang ang nakakaalam ng lahat. Don't think too much about it, okey? Ren is in good place now."

Hindi. I just saw her; she's still hurting, still loving him, still longing for him even in her death, and still wanting to possess him even after death. I hugged myself, nalilito, naguguluhan, natatakot. I sighed. 

I changed my wet shirt into a new one that ate Jam handed me. It was a shirt ate Ren gave me before, napaiyak ako. I called out to her, I miss her but at the same time, natatakot ako sa kanya, sa memories niya, sa alaalang wala akong alam na ipinipilit niya sa akin. Sa damdaming hawak niya na ipinapasa niya sa akin. Anong gagawin ko?

"After your graduation sa Tuguegarao ka na mamamalagi. Sabi mo gusto mong kumuha ng business administration at may alam ako kung saan ka makakakuha ng scholarship at matitirhan at the same time. May kaibigan akong ang Mommy ay Dean ng BSBA, since naghahanap sila ng makakasama sa bahay nila, I recommended you at titingnan daw nila."

Tumango lang ako. Naririnig ko siya subalit pahapyaw lang dahil ang wisyo ko ay wala pa rin doon.

"Four months na lang at magtatapos ka na rin. At ako naman ay matatapos na ang review ko next month and I will take the international board a month after that. I want us to be together and closer because when I pass, magaabroad agad ako para masuportahan ka agad. Naiintindihan mo naman diba na ginagawa ko ang mga ito para sa ikagaganda ng buhay natin? Ayokong habang buhay na nakasandig kina Tita Joan though they are nice to us, ayokong samantalahin ang kabaitan nila."

"Alam ko ate, naiintidihan ko iyon, at salamat."

Hinaplos niya ang aking buhok katulad ng ginagawa niya dati noong bata pa ako. Siguro ay hindi pa rin niya nare-realize na malaki na ako at hindi na bata. I'm turning seventeen soon but still, not a little kid anymore.

"Bababain ko lang si Manang, dito ka muna." Lumabas siya ng kuwarto at naiwan akong nag-iisip.

My feet were itching to go to ate Ren's room. My hands wanted to dig into her drawers to look for something, anything. Ipinilig ko ang ulo, hindi tama. Hindi ko ugali ang mangusyoso ng gamit ng iba. Muli akong humiga at nagulat pa ako ng tumunog yung extension ng telepono sa kuwarto namin. Kahit uso na ang cellphone, nanatili ang landline sa malaking bahay. Hindi ko sana papansinin subalit naisip ko na baka sina Tita Joan iyon dahil sila lang naman ang tumatawag sa landline. Bumangon ako at sinagot ang phone.

"Hi An." Anya sa kabilang linya. Nagtaka ako dahil kahit boses lalaki ay siguradong hindi iyon si Tito Alvin.

"It's me, Nathan."

My heart jumped at napahigpit ang hawak ko sa phone.

"You did not give me your number so hinalungakat ko pa yung phone book para lang mahanap ang landline number niyo. Feeling ko tuloy nasa kabilang mundo tayo dahil ang weird gumamit ng landline." Tawa nito.

SGANF #3: Shh, I Have A SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon