Chapter 19

8.4K 243 9
                                    


            "Don't worry, ikaw lang ang naiiba, dahil ikaw lang ang nanakit sa akin, at ikaw lang may kakayahang paulit-ulit akong saktan. That's what makes you different from them."

            Pumikit ako. Ayoko ng makipagtalo, hindi naman iyon papasok sa isip ni Nathan. Hindi na ito makikinig sa anumang paliwanag ko.

            "Are you tired? It's almost dinner time, anong gusto mong kainin?" niyakap niya ako at marahang hinalikan ang aking noo. Oh god, anong totoo sa mga ipinapakita ni Nathan? And now he's being sweet, hindi ko siya mabasa.

            "Gusto mong lumabas?"

            "Gusto kong magpahinga, I don't think I will be able to walk that far."

            Tumawa ito.

 "Sorry, mukhang pinagod na naman kita. Sa susunod babawasan ko, just remind me okey?" hinalikan niya ako sa labi. Lumalim iyon at naramdaman ko ang kanyang kamay na humahaplos sa aking hita.

            "Nathan."

            "Hmm?"

            "Pagod na ako."

            "Oh, sorry." He laughed. "You're a temptress if you haven't notice. I can't stop making love with you."

            Napansin niya ang pagkakatitig ko sa kanya. Tumayo siya at saka nagbalabal ng kumot sa hubad na katawan. 

 "Don't read too much to whatever comes out in my mouth, they're just words, walang ibig sabihin."

            I know, I know that. I should probably stop hoping. Hindi lang kasi ako ang masasaktan, pati siya ay sasaktan ko lang din.

            "Oorder ako ng pizza, okey lang ba o may gusto ka pang iba?"

            "Pizza's fine."

            "How about wings? Spicy wings?"

            Mabilis akong tumango, my favorite spicy wings. Bumalik si Nathan sa bedroom pagkatapos kunin yung inorder na pagkain. Pinangko niya ako at saka inilabas sa kuwarto patungo sa kusina na tanging kumot lang din ang nakabalot sa aking katawan. We washed our hands and we ate just using our hands.

            "Are you okey?" he laughed at my reaction when I kept puffing because of the spicy wings.

            "Ang anghang, super!" 

            Iniabot niya yung tubig at ininom ko iyon. Kumuha ako ng pizza slice at iyon naman ang kinain ko, kahit paano ay matatapalan yung anghang ng wings na una kong kinain.

            "Luluwas ako ng Laguna bukas, do you want to come?" 

            Hindi ako agad umimik. Hindi niya inulit yung tanong. Naubos namin yung dalawang boxes ng large pizza at isang container ng fifteen pieces of wings, ganoon talaga kami kagutom. I took a shower and he came to join me after a few minutes. He took the liberty to sponged me all over my body at pagkatapos ay saka niya ako niyakap at hinalikan ng madiin. Tumabi din siya sa akin sa kama sa pagtulog at saka ako niyakap sa aking likuran. The night passed normally and we were just like a normal couple, doing things what other couples were doing. I guess we're normal too. Hinayaan kong lamunin ng kadiliman ang nalilito ko pa ring isip. For now, gusto ko na munang matulog at magpahinga.

SGANF #3: Shh, I Have A SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon