MAAGA akong pumasok kinabukasan at nasabak agad ako sa pagiging busy ni Nathan. Kahit medyo nangangapa pa ako sa mga dapat kong gawin, naging mabait naman si Ms Reyes para lagi akong paalalahanan ng mga bagay na dapat kong gawin. Kapag nagkakamali ako ay matiim akong tititigan ni Nathan subalit wala itong sasabihin. Kahit palagi akong nakasunod dito sa loob o labas man ng opisina, palaging sa cellphone o kaya naman ay mga dokumento ang kaharap at inaasikaso nito. Kung minsan ay hindi na ito nagla-lunch, or late lunch na ang ginagawa nito.
After a week of working for him, I decided not to wear a high heeled shoes and mini skirts anymore, bumili ako ng flats at slack pants kung saan ay mas kumportable akong lumakad at kumilos ng mabilis. The next week was the same. Trabaho lang ng trabaho, wala na yata itong ibang ginawa kung hindi magtrabaho. I decided to bring myself a packed lunch and eat whenever I have a little time to spare. Ginawan ko rin ng lunch si Nathan subalit hindi nito maasikaso ang kumain dahil sa tambak ng mga papelels na inaayos nito. Nakaramdam ako ng awa sa kanya, bakit wala man lang nagaasikaso dito?
It was already six at night, nakabalik na kami sa office at nagpaalam na sina Ms Reyes at Tiffany sa amin. At siyempre since hindi pa sinasabi ni Nathan na hindi na niya ako kailangan ay nanatili pa rin ako sa office. Kumatok ako sa pinto ng office niya para may ipapirma sa kanya but he was not there. Napansin kong nakaawang ng konti ang pinto ng kuwarto ng pahingahan niya. Hindi ko malaman kong papasukin ko ba siya doon o lalabas na lang. Medyo nagulat ako ng maluwang na bumukas ang pinto at lumabas siya mula doon at nagkatinginan kami.
"What are you standing there for?"
"A-ah, mga dokumentong kailangan mong pirmahan para bukas." Iniabot ko sa kanya ang hawak na folder.
"Bakit hindi ka pumasok?"
"Sabi ni Ms Reyes ikaw lang daw pwedeng pumasok diyan."
"Nakapasok ka na dito, remember? Binuhat pa nga kita eh." Bale walang sabi nito na nagpakabog sa aking dibdib.
"I'm expecting someone over, pakisundo siya sa harap ng elevator, please." Utos niya pagkatapos.
Napamaang ako subalit hindi nagtanong. May business meeting pa ba ito na hindi ko alam? Wala kasi siyang sinabi or si Ms Reyes sa akin.
Lumabas ako ng office at tinungo yung elevator at saka naman ito bumukas eksaktong pagkahinto ko sa harap niyon. Isang babaeng may mahaba at kulot na buhok ang lumabas. She's wearing a white fitting mini dress which exposed her white toned pair of legs. Hawak nito sa isang kamay ang kulay black na blazer at purse. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil napakaganda nito.
"Hi! I'm here for Nathan." Matamis na ngiti nito sa akin. Pinilit kong gumanti ng ngiti at binati din ito pero alam kong hindi lumabas iyon ng maganda tulad ng naisip ko.
Inihatid ko siya sa office ni Nathan. Mabilis na tumayo sa kinauupuan si Nathan at nakangiting sinalubong yung babae at sabay ang mga itong nagyakap.
"Amanda! I'm glad you came." Pinisil niya ang mga kamay na hawak at saka pa iyon binigyan ng halik. Napatawa yung babae at saka nito tinapik sa balikat si Nathan.
"Oh, shut up, Nathan. You know I can't say no if it's you."
Inaya niya yung babae doon sa private room nito. I felt a heavy chain tugging my heart. The door was not shut and I can hear them laughing. I have to move. I have to leave now, I know that but my legs just wouldn't move. They were glued to the ground. Bumalik si Nathan at natigil ito at pagmasdan ako. Saglit itong napatiim bagang at saka maingat na isinara yung pinto sa likuran nito.
"Go home, Jianne, I will see you tomorrow."
Hindi ako kumilos, hindi ako makakilos. Namamanhid ang aking mga paa.
BINABASA MO ANG
SGANF #3: Shh, I Have A Secret
ChickLitShe took the identity of someone he loved. And paid a high price for the love that was not hers. SGANF #3: JIANNE in Shh, I Have A Secret #65-062217 ** This is dedicated to my dearest best friend @IanneSumagay...hugs &kisses, muah! ...