Chapter 6

8.2K 210 34
                                    


"AYOKONG manood ng sine, gusto ko lang tumambay sa park."

"Ok." Mahina niyang sagot habang tumatakbo yung sasakyan. Wala kaming imikan hanggang sa iparada niya yung sasakyan sa isang resort na malapit. Namangha ako dahil hindi ko akalaing may resort na dito sa lugar namin.

"This resort is not open yet. If you notice the ongoing construction to the other side, linggo kasi ngayon kaya rest day din ng workers. Limang buwan ang binigay sa aming palugit para matapos ang project na ito, and I'm really confident that we will finish it by then."

"Your project?"

"Yeah, remember I told you I've been working on this idea since I was in my final year sa college. And then I showed it to my Dad after I graduated last year and he liked it so he fixed some angles here and there, and requested for a blue print and here it is, you're looking at my very first project." Proud niyang sabi

Kasing-edad pala siya nina ate, a four years age gap.

"You will be my first guest kapag nagbukas itong resort. I have a surprise for you, halika."

Hahawakan niya sana ang kamay ko para hilahin but he paused and motioned for me to follow him instead. Naguilty tuloy ako dahil parang nagaalala siya na baka ireject ko siya uli kapag hinawakan niya uli ang aking kamay.

"Da~raan! Welcome to your dream garden." Bumulaga sa harap ko ang bed of roses of different colors of red, peach, yellow, purple and white. May mga daisys, orchids and ferns din na nakapaligid sa mga bench. The place was not just a garden; it's a park full of flowers. Dito masarap mag-relaks habang nakatanaw sa lake na nasa harap at shower fountain na naglalaro sa gitna ng manmade lake.

"I added your idea to the project, how do you like it?" excited nityang tanong.

Maganda, sobrang ganda at nakakataba ng puso. Masarap pumunta dito para magrelaks, but this is not my idea. Anong alam ko sa mga ganito? There are so much I don't know. There are things I wanted to know. There are lots I have to know, things I needed to find out.

"Do you like it?"

Tumango ako.

"An? Okey ka lang? Bakit parang hindi ka masaya?"

"Nathan..bakit ako?"

"Huh?"

"Why are you doing this?"

"Dahil mahal kita." at saka ito sumeryoso. "At dahil mahal kita ay gagawin ko ang lahat para mapasaya ka. Ikaw lang ang babaeng umagaw ng atensiyon ko at sayo ko lang nadama ang ganito. You give me so much inspiration and you're helping me realize my dream. You're my dream, An at ngayong nahanap na kita, I can continue to dream with you here beside me, what else can I ask for, narito ka na."

I tried my hardest not to neither look hurt nor cry. I should be touch but I can't because deep inside me I know, those words were not for me. Dahil kahit alam kong sa akin niya sinasabi ang mga katagang iyon, alam kong para sa totoong An niya sinasabi iyon at hindi sa akin.

"Gusto ko ng umuwi." tumayo ako at lumakad palabas sa hindi pa tapos na garden.

Nadaanan namin yung hindi pa tapos na pool nung papalabas ako sa exit gate ng resort. This time ay hinawakan niya ako sa kamay nung makarating kami sa tapat ng kanyang sasakyan at katulad nung una, hinila ko iyon pabalik sa akin.

Nasaktan uli ito, malakas niyang sinuntok yung hood ng kotse at saka nagmura. Napaigtad ako. Lalo siyang nagmura ng maramdaman yung sakit ng ginawa niya. Saglit niyang pinalipas ang sama ng loob at pinahupa ang damdaming nasasaktan at pagkatapos ay humarap sa akin at saka ako pinagbuksan ng pinto, not that I'm waiting for him to do that for me, hindi ko lang kasi alam kung paano magre-react sa ginawa niya kaya nakatayo lang ako doon habang pinanonood siya.

SGANF #3: Shh, I Have A SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon