Chapter 11 -

7.9K 204 9
                                    


WE stopped by the door and he held my hands. Matiim siyang tumitig sa akin, nagsusumamo, umaasa, natatakot. Bumuka ang kanyang bibig subalit wala naman siyang masabi, o hindi lang niya masabi ang nais sabihin. Mahigpit niyang pinisil ang aking palad, masakit dahil pakiramdam ko ay mababalian ako ng buto sa higpit ng pagkakahawak niya subalit hindi ko iyon hinila at hinayaan ko lang siya.

Pumatak ang isang butil ng luha sa kanyang mata, matiim na gumalaw ang kanyang panga, bumitiw siya sa aking kamay at saka inihilamos ang sariling mga kamay sa sariling mukha. Tumalikod siya sa pinto, hindi alam kung tutuloy ba o aalis na lang. He was torn between the truth he'd like to find out and the present that he knew were all lies. Gumalaw ang kanyang balikat at narinig ko ang kanyang pagsinghot. Alam kong nahihirapan siya, ako man ay natatakot sa maaari niyang maramdaman at magiging reaksiyon kapag nalaman na niya ang lahat-lahat. Hindi ako natatakot para sa aking sarili, natatakot ako sa idudulot niyon sa kanya.

Kumilos ang aking kamay at marahang pinihit ang door knob. Bumukas ang pinto at dahan-dahan kong binuksan. Nauna akong pumasok, si Nathan ay nanatiling nakatayo sa labas. Dumiretso ako sa sala at tumayo sa harap ng mga portraits ni ate Ren. Ilang minuto ang lumipas bago ko naramdaman ang pagtabi sa akin ni Nathan. Napansin kong nanginginig ang mga kamay nito, napapikit ako.

How I wished I was not in this position right now. How I wished the time would turn back and had stop ate Ren from what she was about to do. I wished I did not feel this way to Nathan. I wished I was not the one causing him the excruciating pain he is feeling right now. I wish, how I wish...

"A-ate Ren.." napalunok ako, "..Was the An you were in love with."

His eyes were focused on ate Ren's portraits. Hindi siya kumurap, hindi kumilos, hindi nagpakita ng reaksiyon, hindi nagulat, at hindi rin nagtanong. Mistula siyang estatwa na ang tanging atensiyon ay nasa iisang bagay, sa malaking portrait ni ate Ren na nasa harapan nito.

Pagkuwan ay mabilis na dumaloy ang mga luha nito sa kanyang mukha, tuloy-tuloy at walang patid subalit hindi pa rin siya kumurap. Gusto ko siyang yakapin subalit para bang may nakapagitan na sa amin na hindi ko maaring laktawin. Nais ko siyang aluin at damayan subalit nandoon yung pagaalinlangan na hindi na niya ako kailangan. Gusto kong magsalita para sabihing nandito lang ako subalit kahit iyon ay para bang imposible ng mangyari.

He knelt down on his knees, his palms against the floor, and sobbed. He's weeping and yet and I can't do anything to comfort him but to stand beside him and watched him hurting. I can't stand his shattered voice, its cutting me deep into my heart. I can't watch his tears, they tearing me apart into pieces. I looked at ate Ren's face, gusto ko siyang sisihin at sabihin sa kanyang ito ang kinahinatnan ng kanyang pagmamahal at ito rin ang kinatunguhan ng aking pag-ibig. Walang nagwagi, walang lumigaya, lahat talunan, lahat ay nasaktan, subalit mas maigi ang kanyang sitwasyon dahil wala na siyang buhay para maramdaman ang nararamdaman namin, hindi na niya mararanasan ang sakit na nararanasan namin ngayon.

Tumayo si Nathan, matiim na pinakatitigan ang mukha ni ate Ren, pagkatapos ay kumilos siya, tumalikod at tinungo ang pintuan. Hindi siya nagsalita, hindi nagpaalam, ni hindi ako nilingon. Narininig ko ang ugong ng sasakyan niyang papalayo, at muling tumulo ang aking mga luha.

So, that's it. Iyun na, hanggang dito na lang, dito na natapos ang lahat. Alam kong iyon na ang huling pagkikita namin. Ako naman ang napaluhod sa sahig, hinawakan ang aking dibdib, pilit pinipigil ang mapasigaw sa iyak at sakit na nararamdaman. Nahihirapan akong huminga, ang sakit sakit ng dibdib ko. Gusto kong banggitin ang kanyang pangalan subalit kahit iyon ay alam kong wala akong karapatan. Kahit sa isip ay itinanggi ko ang pagtawag sa kanya. Paulit-ulit kong ipinilig ang ulo para hindi ako matuksong tawagin siya. Tapos na, natapos rin, tama na. Iyon na ang katapusan para sa aming dalawa. Yung sa kanila ni ate Ren, hindi ko alam. Marahil ay dadalhin pa rin nito sa puso ang alaala nito, kung hanggang kailan ay hindi ako alam, at yung sa amin...kung meron man, baka kalilimutan na rin nito.

SGANF #3: Shh, I Have A SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon