Chapter 8

7.8K 196 15
                                    


NANGINGINIG ang mga kamay ko sa pag-save ng number niya. If only my hands were capable to break the phone because of the strong grip I was doing, it would have been shattered into pieces right now, just like how my heart was being pinned by millions of sharp needles.

I felt his hand clasped with mine, gusto ko iyong bawiin at isigaw sa kanya na wala siyang karapatan na hawakan ako dahil hindi niya ako girl friend. Mapakla akong ngumiti ng pumasok sa isip ko ang matamis na ngiti ni ate Ren. Oh how I am beginning to loath her now. Pinisil niya ang aking kamay at saka hinalikan iyon at buong pagmamahal na tumingin sa akin.

Mabilis akong lumingon sa labas ng bintana at kumurap kurap. To be someone who you're not is not the hardest part, it is to be that someone who is being loved by someone you love and you're not even that person whom he truly loves, that's the most painful part.

"An, miss pa rin kita, boo. Ayoko pang maghiwalay tayo. Gusto kong bawiin yung siyam na buwan na hindi tayo nagkita. Pwede tambay muna ako sa inyo?" lambing niya.

"Hindi ko alam, nahihiya ako kina Manang eh, ngayon lang kasi ako magdadala ng tao sa bahay at lalake pa."

"Bakit, ano ba dati mo dinadala sa inyo, aso o pusa?" alright, I have to admit that was cute, lalo pa at kung ngumiti ito na abot hanggang mga mata.

"Hindi, isda na hinuhuli ko dun sa fish pond nina kuya Leo, iba't ibang isda meron sila at paborito ko yung tilapia."

"Gusto mo dagdagan natin ng fish pond yung resort para may sarili ka na ring isdaan at hindi kung san san ka nakikingisda?"medyo tumigas ang tinig nito.

"That's a good idea para yung mga guests na tatay eh magkaroon ng libangan habang nagkakasayahan yung pamilya nila."

 "Hm, oo nga no, sige isusuhestiyon ko kay Dad. Pero hindi naman kasi yun ang tinutukoy ko eh. Ayokong nagpupunta ka sa bahay ng kung sino."

"Eh diba friend mo naman si kuya Leo? At saka mabait siya at magalang."

"Yun, magalang? Hah! Pag tulog siguro oo."

"Ano ka ba, gising siya nung tinuruan niya ako mamingwit."

Itinigil niya yung sasakyan at saka seryosong humarap sa akin. 

"Tinuruan ka niyang mamingwit? Kelan? Bakit hindi ko alam? Ano pa ang itinuro niya sa iyo? Hinawakan ka ba niya sa kamay? Nagpahiwatig ba sa iyo? Ang tadong iyon, maupakan nga."

"Seryoso ka talaga? Si kuya Leo yun, best friend mo."

"Pagdating sa babae walang kai-kaibigan lalo at singgandang tulad mo. Ano pa ang ginawa niya sa iyo?"

Sinimangutan ko siya. May pagkaseloso pala ito. 

"Ewan ko sa iyo."

"Boo naman, nagseselos na ako eh heto nga at gusto ko na siyang sugurin sa bahay nila para maupakan siya tapos ganyan lang reaksiyon mo. Hindi mo man lang ba ako aamuin?"

"Anong gusto mong gawin ko?" 

"Hmm, pakiss sa pisngi?"

"Ayaw."

"Pakiss sa lips?"

"No."

"Payakap na lang den."

"Di pwede."

"Ouch! Dati rati ikaw pa mismo ang kusang humahalik at yumayakap sa akin, pagkatapos mo akong sanayin sa katamisan mo at saka mo naman ako ihuhulog sa kinasanayan ko. I didn't know that you can be so cruel." Nakasimangot ito subalit may halong biro ang kanyang pagkakasabi.

SGANF #3: Shh, I Have A SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon