Nathan's Story continuation...
"May nangyari lang kasi. Sorry na please?" pinapungay nito ang mga mata, trying to get me at umubra naman dahil biglang naglaho ang aking galit at napalitan ng ngiti.
"I miss you so much!" muli ko siyang hinalikan sa kanyang mukha subalit mabilis niyang iniiwas ng sinubukan kong idikit ang aking pisngi sa kanya.
"Ayoko lang magulo ang makeup ko."
"I don't mind seeing your face naked, An. I'll love you anyway." At hinalikan ko siya uli sa labi.
Hindi na ito tumanggi ulit. Nagpaubaya at gumanti rin sa bawat halik ko. Nang hubarin ko ang kanyang suot ay nagpaubaya din ito agad, subalit napansin kong nanginginig siya, at mas lalo pa yatang pumayat ang payat na nitong katawan. I can feel her ribs in every touch. Napansin kong naconscious siya.
"An, is something happening?"
"Nate, mahal na mahal kita. Sana, sana noon pa nangyari ito. Sana noon pa ay minahal mo na ako ng ganito. Sana ako talaga ang mahal mo." Nabasa ng luha ang kanyang mukha.
"An, what are you saying?"
"I'm so scared. Natatakot akong mawala dahil hindi na kita makikita. Natatakot akong saktan ka pero mas natatakot ako dahil wala akong paraan para manatili at pagbayaran ang lahat ng ginawa ko. Gusto ko lang malaman mo na ang lahat ng ito ay dahil sa pagnanais na maramdaman kahit sa huling sandali na mahalin mo." Kinuha niya ang aking kamay at idinikit sa kanyang dibdib.
"Salamat sa pagmamahal, at sori sa mga maiiwan kong sakit. Mahal na mahal lang kita. Noon, hanggang ngayon, at hanggang sa aking huling hininga."
"An, you're scaring me. Please tell me what's going on? Are your breaking up with me?"
Mabilis siyang umiling at pinunasan ang sariling luha.
"Kiss me Nate, I want to feel you again. I want to love you for the last time."
"What last time? You're not making sense, An."
"Please, love me, love me, Nate. I love you so much. God, I love you so much!"
Ano man ang nangyayari dito ay aking aalamin mamaya, dahil sa ngayon ay gusto kong pagbigyan ang kanyang kahilingan gayon din ang aking damdamin. Mas maingat ako sa pagdama sa kanya dahil nanginginig pa rin ito. And as we both reached our peak, we both said the words we feel, that we love each other. Pahiga itong humilata at walang lakas na hinayaang lamunin ng dilim ang kanyang kamalayan. Agad itong nakaidlip at natawa ako. Hindi siguro talaga maganda ang pakiramdam nito dahil mukhang napagod agad at nanginginig pa rin.
Maingat akong humiga sa kanyang tabi pagkatapos siyang kumutan. Matiim kong pinagmasdan ang kanyang mukha at napansin ang smear ng make up, marahil ay nabura dahil sa pagiyak nito kanina. I wanted to remove the rest of her makeup para kumportable itong makatulog subalit ayoko naman mabulabog ang mahimbing nitong pagkakatulog. Hinayaan ko na lang muna at saka ko na lang sasabihin kapag nagising na siya.
I was just about to fall asleep when she woke up and looked at the time.
"Nate, aalis na ako." Bumaba siya sa kama at hinagilap ang mga damit at saka nagbihis.
"An, wait, may sasabihin ako."
"Ano iyun?" sagot niya habang nagbibihis.
Kinuha ko ang kanyang kamay matapos nitong magdamit at saka isinuot sa kanyang daliri ang singsing na kanina ko pa gustong iabot sa kanya.
BINABASA MO ANG
SGANF #3: Shh, I Have A Secret
ChickLitShe took the identity of someone he loved. And paid a high price for the love that was not hers. SGANF #3: JIANNE in Shh, I Have A Secret #65-062217 ** This is dedicated to my dearest best friend @IanneSumagay...hugs &kisses, muah! ...