Chapter 14

7.9K 223 12
                                    

"NATHAN..."

"I said get up."

 "No, go away."

  "Tatayo ka o bubuhatin kita?"

  "Neither. I want you to get out of my sight. Yung malayong malayo. Yung hindi na kita makikita kahit saan, mapamagazine man, balita or kahit saang lupalop ng mundo. Yung hindi kita mahahanap. Yung walang paraan para hindi na kita makita. Kahit sa isip ay ayaw kitang maalala. Gusto kong maaksidente at mabagok ang aking utak para mabura ang bawat detalye ng alaala at hitsura mo sa buong pagkatao ko."

 Narinig ko siyang tumawa, maging ang mga mata nito ay mas lalong nagalit na tumitig sa akin.

"At sa tingin mo papayagan kong mangyari iyon? It took me four years to find you and since you came willingly to me, sa tingin mo pakakawalan pa kita? You're stuck with me, An, at hindi kita papayagang makawala uli."

 "May magic ako, and I am ordering you to be gone." I waved my shaking hands pointing at him chanting abracadabra. 

Nagkatunog ang tawa nito at napamaang ako. Nagtataka kung bakit hindi ito lumulubog sa lupa katulad ng mga paa at kamay kong lumubog doon kanina. Nilapitan ko siyang lalo, closing the distance between us, making sure he's not just an imagination. Hinawakan ko siya at naramdaman ang init ng kanyang balat, I chanted again, telling him to disappear to the ground but the magic did not work.

"Why do you want me to disappear, An?" he asked.

"Because you hate me."

 "Why do you think that?"

  "Because I hurt you."

  Hindi ito umimik.

 "Tara na sa kuwarto mo."

  "Ayoko."

  "Bakit? It's late and it's getting chilly here."

 "Baka maglaho ka na. Just this once, before I let go, before I say goodbye, gusto kitang makita kahit saglit lang."

 "Goodbye? Aalis ka naman?" tumigas uli ang boses nito.

 "Shh, I have a secret, do you want to know?"

"Dammit!" pinangko niya ako at dinala sa aking kuwarto. Pagkasara ng pinto ay inilapag niya ako sa kama. 

Naramdaman ko ang lambot ng kama at nasiyahan ako kaya inihiga ko ang sarili at pinakiramdaman ang lambot ng aking unan. Naramdaman ko ang paggalaw ng kama at nakita kong nakaupo si Nathan sa gilid niyon.

"You're still here..." nahihilo kong saad.

"Tell me, what do you mean goodbye?"

 "Ang init, gusto kong maligo." Bumaba ako sa kama at hinanap ang pinto ng aking banyo. "Nandito lang kanina yung banyo ko pero naglaho na rin. I have to control my magic, naglalaho ang hindi dapat maglaho." I complained.

Kinuha niya ang aking kamay at saka inalalayan papunta sa pinto ng banyo at natuwa ako at napahagikgik ng buksan ko iyon at tumambad sa akin yung shower. Binuksan ko ang shower at hinayaan ang malamig na tubig na bumuhos sa aking katawan, kanit paano ay napalis ang init na nararamdaman ko. 

Nathan was just standing by the door, watching me through the glass door. Oh, how nice it would be to get him to shower with me. Napahagikgik ako sa naisip. Tumaas ang aking kamay at hinaplos ang kanyang kabuuan sa hangin, Napatiim ito at dahan-dahang lumapit sa akin hanggang sa maramdaman ko siya.

"You feel real, Nathan. I can feel you so much."

 "Let's undress you, okey?" 

 Tumango ako. Ako man, inumpishan kong alisin ang suot nitong poloshirt hanggang sa tumambad ang hubad nitong katawan. How I wished to touch his chest. 

SGANF #3: Shh, I Have A SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon