Chapter 2

11.1K 450 144
                                    

'Van Saint'


ZIA


"Zia! Wake up!"
"Zia! Zia!"


I can hear everyone's voices around me. They were arguing and someone was crying. It's probably my mom.


"Was she tired? Did she eat something wrong? Was she stressed?"
that's Mom's worried voice. I hated hearing her voice like that dahil alam kong kasalanan ko kung bakit nagkakaganyan si Mommy. I know how hard her life was before and even now, I'm giving her a tough life.


"Hindi ko po alam."
Kuya Xy said, blaming himself in the process. Sinisisi niya ang sarili niya na baka kasalanan niya dahil hindi niya ako palaging kasama at hindi niya ako nababantayan at nagkulang siya bilang kapatid ko. And I hated it. I hate it whenever he blames himself like that.

I just hate everything.


Why does my heart stop from time to time and hurt the ones I love with thoughts that it might be their fault why this is happening to me?

Why is this happening to me anyway?


✥✥

I finally opened my eyes and was greeted by the sounds of machines all around me. Dahan-dahan kong hinawakan ang dibdib ko at pinakiramdaman ang puso ko. My heart was beating again. Tumingin ako sa gilid kung saan nakita ko si Kuya Xy na nakatulog na pala sa upuan.

Umupo ako tsaka tumingin sa kanya pero bigla nalang siyang nagising at agad na tumingin sa akin.


"Z-Zia—Mom! Dad! Gising na si Zia!"
Napatakip nalang ako sa tenga ko dahil sa sigaw ni Kuya Xy at tumingin na ako sa pinto noong bumukas ito at pumasok agad sina Mommy. Pati sina Tito Seth ay nandito rin. Mom and Dad immediately greeted me with a hug habang nakahinga naman ng maluwag sina Tito Seth.

Lumapit agad si Tito Duke sa akin at sinuri ako. He also filled in my stats at nagsagawa ng final check-up sa katawan ko.


"Her vitals are fine. Just slowed heartbeat."
Dahan-dahan na akong napahawak sa puso ko dahil sa sinabi ni Tito Duke pero napatingin naman ako sa isang tasa ng kape na inilahad ni Tito Hoshi sa harap ko.


"Oh, pampakaba. Para lumakas rin 'yang heartbeat mo,"
aniya kaya natawa ako at tinanggap ang kape pero agad naman itong kinuha ni Tito Jayden mula sa akin at niyakap ako. My uncles took turns giving me hugs like they used to do whenever I have an attack.

And I looked at each and every single one of them.


They are Team Alpha. The best team in the realm. Half of the team was already immortal. My Dad, Tito Walter, Tito Dino, Tito Jayden and Joshua, Tito Hoshi, and Tito Matthew. Tito Milo is still human even without a soul, so he aged but it wasn't that obvious at all because it only seemed like he aged for like five years, making him look more mature, elegant, and stunning.

Tito Baxter stayed the same just like Tito Duke and Tito Wolfie even though they're not immortal but in this realm, elves, wolves and shape-shifters age slowly like demigods, explaining how Tito Seth and Tito Vernon still looks the same.


It's just amazing how they still managed to look the same, just a few years more mature looking.


Agad naman akong tumingin sa pinto nang marahas itong bumukas at nakita namin sina Wilder at Celise na nag-aalalang nakatingin sa akin. Nakahinga naman agad si Wilder noong makita niya ako at niyakap ako ni Celise.

Tiningnan ko si Mommy na kausap na naman ang doctor. Kinakausap naman ako ni Celise pero ewan ko kung bakit hindi ko matanggal ang tingin ko kina Dad na nag-uusap. I then breathed low to focus on their conversation.

Midnight AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon