Chapter 23

6.6K 319 71
                                    

'The Second Member'


ZIA

"Wilder! Bilisan mo nga!" Ang aga-aga ang lakas na ng boses ni Kuya Xy. Inubos ko nalang ang pancake na kinakain ko at tumingin kay Kuya Xy na nakapameywang dun sa pinto at naghihintay kay Wilder na kalalabas palang ng bahay nila ay nakatapis pa ng tuwalya habang may bula pa sa buhok nito.

"Ano?! Gusto mong umalis ako ng ganito?!" Galit na tanong ni Wilder sa kanya kaya mahina akong natawa sa ayos nito. Nakapikit pa kasi ang isang mata nito dahil may bula pang dumadaloy sa mukha niya.


"What the hell?! Bilisan mo sabi!"
Inis na sabi ni Kuya Xy kaya napailing nalang ako at hinugasan na ang pinagkainan ko at tsaka sinulyapan si Kuya Xy na ginugulo ang buhok niya dahil sa inis. I just wiped my hands at lumapit sa kanya tsaka dahan-dahang minasahe ang balikat niya.

He's been too stressed that he's starting to sound like Tito Seth.

"Don't pressure Wilder too much. Alam mo namang nasanay siyang si Tita Keya ang palaging kumikilos sa bahay nila." Mahina kong sabi. It still pains me to the core whenever I mention their names when I knew that this body of mine was the reason why they're in the lab. Napalunok nalang ako at ramdam kong hinawakan ni Kuya Xy ang kamay ko.

Tinapik-tapik ko nalang ito.


"Call Ate Dolly first. We can't go to that meeting when you're stressed."
Bilin ko at tsaka na ako lumabas ng bahay at pumasok sa bahay nina Wilder. Hindi naman ganun kakalat ang paligid, knowing that Wilder's the only one left.

Nagsimula na namang manginig ang labi ko dahil dito. They've been on their own for the past three months too. The least I could do is help them cope up with it. This is all my fault so I'll take responsibility.

"Huh? Sinong nandiyan?" Rinig kong tanong ni Wilder mula sa taas.

"It's me. Bilisan mong maligo." Pasimple kong sabi sa kanya at tsaka ko na kinuha ang automatic vacuum nila at hinayaan itong maglinis sa sahig habang nagsimula na akong maghugas ng pinggan. I cleaned the living room first bago ako umakyat at tsaka ako kumatok sa kwarto ni Wilder.


"Papasok ako."
Paalam ko at sumang-ayon naman siya. Pagpasok ko sa kwarto niya ay narinig ko ang pagpatak ng tubig sa shower. Lumapit nalang ako sa drawer niya at inayos ang mga damit at sapatos niya doon. Nilagay ko narin ang mga damit niyang galing pa sa laundry shop at tsaka ko nilinis ang alikabok sa mga picture frames dito sa kwarto niya.

I just looked at the photos. One frame was him, Tito Walter and Tita Keya. The other frame was us; me, Kuya Xy, Celise and Chloe.


Chloe, a vampire. I don't know how Mom could make vampires appear in photos. None of us knows how to do it. Only her and Tito Matthew. Wait, Chloe isn't a pureblood vampire. If Tita Jane and Tito Kane are also not pureblood vampires, how did Chloe come into this world? I mean, only pureblood vampires are born from both parents.

Inalis ko nalang 'yun sa isip ko at napatingin nalang ako sa pinto ng banyo ni Wilder na bumukas na at lumabas siyang nakatapis lang ang pang-ibaba ng tuwalya. Tinapon ko kaagad sa kanya ang bathrobe niya at tinanggap niya naman agad ito.

"Dress up tsaka pumunta ka sa bahay. I cooked breakfast." Tipid kong sabi at ngumiti naman siya sa akin. Tumalikod na ako at naglakad paalis pero nagsalita bigla si Wilder.


"You know, Zia. You don't have to do this."
Saglit akong natigilan at tsaka dahan-dahang lumingon sa direksiyon niya. "Do what?" Tanong ko sa kanya.

Midnight AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon