Chapter 43

6.2K 263 35
                                    

'Kharis'


ZIA


"Zia.."


"Zia, wake up."
Agad akong nagmulat ng mga mata at mukha ni Lucas ang una kong nakita. I just groaned and stretched then finally noticed that I was on my bed. Agad akong umupo at tiningnan si Lucas na nakaupo lang sa gilid ng kama ko. "Tanghali na." Aniya kaya tumingin kaagad ako sa orasan.

Napapikit nalang ako at sinapo ang mukha ko.


"Nasan sina Kuya?"
Tanong ko sa kanya.

"Everyone went out to train." Sagot niya at tsaka naglakad papunta sa mini table dito sa kwarto ko at tsaka nilagyan ng tubig ang isang baso tsaka siya naglakad palapit sa akin sabay bigay sa akin nung isang baso ng tubig.

Tinanggap ko naman ito at tsaka ininom.

"Ba't hindi ka sumama sa kanila?" Tanong ko at tsaka na tumayo at inayos ang bedsheet ko. Nakita ko naman siyang umupo dun sa sofa ng kwarto ko at tiningnan ako. "Wala kang kasama rito." Tipid niyang sagot kaya saglit na kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya.


"Bakit? Nasan si Blu?"
Tanong ko.


"He's with his parents—teka nga, ano bang meron sa inyo ng gagong 'yun?"
Inis niyang tanong kaya tumingin na ako sa kanya at nakita kong nakakunot ang noo niya habang nakatingin siya sa akin. "Blu is a close friend." Sagot ko at umupo sa dulo ng kama ko at tsaka tumingin sa kanya.


"Close friend? Tch. Inamin niya na ngang may gusto siya sa 'yo diba tapos kaibigan parin turing mo dun?"
Tanong niya kaya naghalukipkip ako at tumingin ng maigi sa kanya.


"Lucas, my Mom and Dad could die any day soon. You think I have time for love?"
Tanong ko kaya saglit siyang natigilan at tsaka na naging malumanay ang expression ng mukha niya. Tumikhim naman siya at sumandal sa arm rest ng couch.

"If someone really likes you and wants to be with you, they can wait, right?" Tanong ko kaya nakita kong naningkit ang mga mata niya habang nakatingin siya sa akin at tsaka niya itinukod ang siko niya sa hita niya at diretsong tumingin sa akin.


"'Yan din ang sinabi mo sa akin nung gabing 'yun."
Kumunot kaagad ang noo ko dahil sa sinabi niya. Mahina lang natawa si Lucas at sumandal ulit sa sofa. "You really don't remember." Aniya kaya inihilig ko ang ulo ko sa kanan at bahagyang nag-isip.

Is he talking about that night when we were still kids and I bumped into him and after that, I forgot about him because if that's what he is referring to, talagang wala akong naaalala. Tito Matthew completely wiped my memories out about that.


"Bakit? Ano bang sinabi ko?"
Tanong ko.


"Never mind. Get dressed. Sabay na tayong kumain."
Kumunot agad ang noo ko dahil sa sinabi niya. Bigla yatang bumait 'tong Lucas na 'to sa akin. Hindi ko nalang 'yun inisip pa at pumasok na sa banyo.


✥✥

"Hoy, kumain ka ng gulay. 'Wag kang puro cake." Suway sa akin ni Lucas at inagaw 'yung tray na dala ko at tsaka ito nilagyan ng salad. Seriously? Is this damo? Napangiwi kaagad ako nung makita ko ito kaya tiningnan ko si Lucas na nakatingin lang sa akin.


"If you finish this, makakakain ka nito."
Aniya at tsaka pinakita sa akin ang isang red velvet cake. Tumango-tango kaagad ako at napairap nalang si Lucas at tsaka na kami naghanap ng upuan dito sa canteen.

Midnight AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon