Chapter 7

7.1K 286 103
                                    

'UHT Visit'


ZIA

"What the fuck did you do to my sister?!" Agad na pinigilan ni Kuya Ash si Kuya Xy na susugod na sana kay Lucas na nakatayo sa gilid ng kama ko dito sa clinic. Kakagising ko palang at ito kaagad ang sumalubong sa akin.

Kuya Ash was stopping Kuya Xy with all his strength kaya nakita kong nagliliwanag na ang dragon marks sa katawan niya. Thankfully, Lucas was looking away from them.


"Kuya, tama na."
Mahina kong sabi at hinawakan ang sintedo ko.


"Anong tama na?! Nang dahil sa kanya kaya ka nandito!"
Sambit ni Wilder na kararating lang at mabuti kasunod niya si Celise kaya si Celise na ang pumigil sa kanya. Huminga nalang ako ng malalim at tumingin sa kanila.


"I'm fine, okay? Wala siyang ginawang masama. He even saved me from the explosion. Kasalanan ko kung bakit ako nandito. So, don't blame him."
Sabi ko kaya tumingin na si Kuya Xy kay Ate Dolly. Tumango naman si Ate Dolly noong tiningnan ko siya. Ginulo nalang ni Kuya Xy ang buhok niya dahil sa inis at humugot ng malalim na hininga.


"How's your heart?"
tanong sa akin ni Kuya Xy noong kumalma na siya.

"Strong and beating." Agad kong sagot kaya napansin kong tumingin si Lucas sa akin bago siya tumikhim at tuluyan nang umalis. Hihirit pa sana si Wilder sa kanya kaya hinila na ni Kuya Ash si Wilder at pinaupo nalang ito sa isang kama.

Tiningnan ko nalang si Kuya Xy na nakapameywang at nakabukas na ang isang butones ng polo dahil sa pagpupumiglas niya kanina.

"Tsk! Ayusin mo nga sarili mo." Inis na sabi ni Ate Dolly at siya na ang nagsara ng butones ni Kuya Xy. Hinawakan ko nalang ang dibdib ko at huminga ng malalim. The nurse already checked on me earlier. Sinabi niyang baka nahimatay raw ako dahil sa takot.

Sinabi ko naman 'yon kay kuya pero hindi siya naniwala. Talagang malaki ang galit niya kay Lucas. Napabuga nalang ako ng hangin.


Tama naman kasi ang sinabi ni Lucas. Hindi ko sana dapat iniwan ang station ko kasi naka-on pa 'yong hot plate ko. I am careless. I am aware of that. Pero hindi naman siguro sapat 'yon para sigawan niya ako nang sigawan.

Earlier, I saw how scary he could be. Just looking at me with those eyes full of anger.

"Hey." Narinig ko ang malambing na boses ni Kuya Ash kaya nilingon ko siya at doon ko nalamang nasa labas na pala sila Wilder at Kuya Xy habang pinapagalitan sila ni Ate Dolly at nakasunod rin si Celise sa kanila kay kaming dalawa nalang ni Kuya Ash ang nandito.

"It didn't stop this time." Nakangiti sabi ni Kuya Ash habang nakatingin sa akin. Oh, he's referring to my heart. Ngumiti agad ako at tumango. "It's getting stronger." Natatawa kong sabi sa kanya kaya nakita kong umangat ang gilid ng labi niya. Nangalumbaba lang siya sa kama kasi nakaupo siya at saka siya tumingin sa akin.

"If your heart is stronger now, is it ready for the next step?" tanong niya pero kumunot lang ang noo ko.

"Next step?" tanong ko habang nag-iisip pa kung anong ibig niyang sabihin.


"Falling in love."
Agad niyang sagot kaya saglit pa akong natigilan at saka ako dahan-dahang tumingin sa akin. Falling in love? Dahil sa sinabi niya ay napahawak na ako sa dibdib ko. Napangiti nalang ako at saka umiling. "Kuya Ash, you just can't tell your heart that it's ready to fall in love. We are never prepared or ready enough to admit that we're falling in love." Nakangiti kong sabi sa kanya pero umangat lang ang gilid ng labi niya.

Midnight AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon