Chapter 55

8.1K 343 122
                                        

'Allies and Enemies'


ZIA


"Oh, it's almost Christmas!"
Tumingin ako sa direksiyon ni Tita Addie dahil sa sinabi niya. Nakita ko siyang nakatingin sa kalendaryo at nakangiti. We're at the Alpha Village, containing Reed at the isolation room because he's always breaking things.


"What's Christmas?"
Tanong ni Audin dahilan para tumingin kaming lahat sa kanya.


"Seriously? Walang pasko dun sa inyo?"
Natatawang tanong ni Wilder sa kanya. Lumingo-lingo naman si Audin. "Wala. National Kissing Day lang, meron." Nakangiting sabi ni Audin.


"National Kissing Day? Where do you even live? In Russia?"
Natatawang tanong ni Shinshi sa kanya habang may libro itong binabasa. Wilder then raised his eyebrow, obviously not knowing about Russia's annual tradition.


"Iba na talaga ang biro ng mga matatalino."
Sabi ni Wilder at inirapan naman siya ni Shinshi.

"Palibhasa kasi puro push and pull lang ang alam mo." Sumbat ni Shinshi at hindi ko alam kung bakit biglang natawa sina Atlas, Archer at Kuya Ash dahil sa sinabi ni Shinshi. "A-Anong push and pull?!" Inis na tanong ni Wilder.

When he's embarrassed, Wilder has this habit of stuttering and based on his reaction, I know that push and pull is not a good thing.


"Bahala ka na kung anong interpretation mo sa sinabi ko."
Shinshi teased at nakita kong pumula na ang pisngi ni Wilder at humiga nalang sa sofa na kinauupuan ko at ginawang unan ang hita ko.


"Seriously, what's Christmas?"
Tanong ni Audin na muntik na naming hindi masagot dahil kay Wilder.


"Others say that Christmas is a day of celebrating the birth of Jesus and some interprets Christmas differently. But the bottom line is that it's a special day where you get to celebrate it with your family."
Si Tita Addie na ang sumagot sa tanong ni Audin kaya tumingin naman si Audin sa kanya.


"Ahh, so uuwi ako sa pasko?"
Tanong niya.


"It depends. Sino bang nandun sa inyo?"
Tanong ni Archer sa kanya at ngumuso naman si Audin. "Si Shammie." Sagot nito at nagtanong naman kaagad si Wilder kung sino si Shammie.


"'Yung aso ko."
Sagot ni Audin at bahagyang nag-isip.

"My family is away. Hindi nalang ako uuwi." Nakangiting sabi ni Audin at tumingin sa amin. Lumapit naman si Tita Addie sa kanya at ginulo ang buhok niya. "It's okay, DinDin. You can spend your Christmas with us." Ngumiti agad si Audin at tumango sa sinabi ni Tita Addie.

Paglabas ni Tita Addie sa study room ay tumingin naman ako sa team ko.


"Kayo? Uuwi ba kayo?"
Tanong ni Wilder sa kanila. Shinshi and Kuya Ash have always celebrated Christmas with us. I was curious about the others. "We don't really celebrate Christmas." Sagot ni Atlas habang naglalaro ng bola sa pader.


"Us too."
Sagot ni Archer kaya tumingin naman kami kay Lucas na nananahimik dun sa gilid.


"Dun ako kina Chloe."
Sagot ni Lucas. "But Chloe celebrates Christmas with us." Sabi naman ni Wilder.


"Edi dito rin ako. Bobo nito."
Inis na sagot ni Lucas kay Wilder. Aangal pa sana si Wilder at tatayo kaya tinulak ko na siya pahiga ulit at tinapik ang noo niya.


"Masungit na nga 'tong isang 'to, dumagdag pa 'yung Reed na 'yun."
Wilder mumbled at mahina nalang akong natawa sa kanya. Agad namang bumukas ang pinto at sabay na pumasok sina Kuya Xy at Blu na galing sa meeting nina Mommy.

Midnight AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon