Chapter 46

6.1K 265 61
                                    

'The Abduction'


ZIA


"May pagkain ba?" 'Yun agad ang tanong ni Audin sa akin nung makababa siya. Tumango lang ako at tinuro ang waffles na niluto ni Kuya Xy. He's just actually practicing his cooking skills for Ate Dolly.


"Pagkain ba talaga 'yan?"
Tanong ni Audin at nakangiwi pa siya habang nakatingin siya sa mga waffles na sunog-sunog 'yung ibang parte. Tumingin lang si Kuya Xy ng masama sa kanya. "Hush, he's trying his best." Natatawang sabi ni Archer at binigyan nalang ng apple si Audin para hindi na niya laitin pa si Kuya Xy.


"Tsk! Whatever! Cook your own food, woman!"
Inis na sabi ni Kuya Xy habang nakatingin siya sa waffle na sunog na at dahil sa inis niya at tinapon niya ito sa trash bin.


"You know, you can feed Dolly something else."
Sabi ni Wilder at tinaas-baba pa ang kilay niya.


"Ano na namang kabastusan 'yang naiisip mo, Wilder?"
Inis na tanong ni Kuya Xy sa kanya at agad na napaawang ang bibig ni Wilder at nag-acting siyang nasaktan sa sinabi ni Kuya Xy. "Puro ba talaga kabastusan ang lumalabas sa bibig ko?" Tanong ni Wilder.


"Sa mukha at tingin mong 'yan, oo."
Sambat ni Shinshi na kakababa lang at nagpapatuyo ng buhok. Wilder just scoffed.


"I was meant to say fried eggs, bacon, fried rice. Basic, ganun. At tsaka mas bastos 'tong bibig ng tiyanak na 'to kesa sakin."
Pagpapaliwanag ni Wilder at tiningnan lang siya ng masama ni Audin. Hinila ko nalang si Audin paupo sa tabi ko at tsaka siya niyakap. He's warm and soft. Soft baby.

Audin just stuck his tongue out and continued eating his apple.


"Van Saint, may bisita ka."
Agad kaming tumingin sa pinto nung kakapasok lang ni Atlas at tsaka kami tumingin sa babae na nasa likuran niya. Kharis smiled and waved at us. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako pero kusa nang umangat ang gilid ng labi ko at nginitian ko na si Kharis.

Tinakpan kaagad ni Audin ang labi ko at tsaka siya tumingin ng masama kay Kharis.


"Tumigil ka nga."
Mahinahon kong sabi at tsaka inalis ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko at tsaka ako tumingin sa hagdanan nung naglalakad na pababa si Blu. Tumingin siya sa akin at saglit na tumingin sa pinto.

I just shrugged my shoulders at tsaka na siya naglakad papunta doon. Tumayo naman si Audin at tsaka nameywang habang nakatingin siya sa pinto. Ano bang ginagawa ng batang 'to?


"What?"
Tipid na tanong ni Blu kay Kharis na agad na ngumuso dahil sa tono ng boses ni Blu. Wilder just turned on the TV at nilakasan naman ni Archer ang volume nito making Kharis uncomfortable with the noise.

Kumuha narin ng random na libro si Shinshi at basta-basta nalang itong binigay kay Blu.


"We need your help on this one."
Sabi ni Shinshi kay Blu kaya kumunot agad ang noo ko. Ano bang ginagawa ng mga 'to? Tumango lang si Blu sa sinabi ni Shinshi at tsaka siya tumingin kay Kharis.


"See? We're busy. Go home."
Tipid niyang sabi dito kaya saglit na tumingin si Kharis sa amin at mas nilakasan pa ni Archer ang volume ng TV kaya napapitlag na si Kharis at agad na umalis. Pag-alis niya ay agad na umangat ang gilid ng labi ni Blu.

He then gave a single high-five to Archer and Wilder.


What was that?


I just shrugged my shoulder at tiningnan si Audin na bigla nalang nabilaukan sa kinakain niyang apple kaya agad na tumayo si Wilder sabay kuha ng tubig at binigay ito sa kanya at tsaka tinapik-tapik pa ang likod ni Audin. "Dahan-dahan ka nga. Wala namang naghahabol sa 'yo sa pagkain." Sabi ni Wilder sa kanya.

Midnight AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon