Chapter 6

7.7K 309 67
                                    

'Small Accidents'


ZIA


On the first day that Lucas was at school, everyone talked about him. Of course, he's gorgeous as they say. Everyone keeps talking about that. Well, everyone has their own opinions about beauty. He looks alright to me.


"Baby!"
Agad akong napapitlag noong marinig ko ang boses ni Tito Hoshi kasabay ng pagbukas ng pinto ng lab. Napatingin narin si Lucas sa kanya pero agad naman nitong binalik ang tingin niya sa ginagawa niya.

Naglakad ako palapit kay Tito Hoshi at binati siya.

"Wanna eat lunch together?" nakangiti niyang tanong kaya nagliwanag kaagad ang mukha ko. The greatest thing about lunch is when Tito Hoshi buys it. Kasi wala siyang limit pagdating sa pagkain. Dali-dali kong tinanggal ang lab coat ko at tumingin kay Ate Dolly na binabati si Tito Hoshi ng ngiti.


"Ate Dolly, lunch muna kami."
Pagpapaalam ko at kumaway lang si Ate Dolly sa amin. Paglabas namin sa lab ay nagsuot na ng cap si Tito Hoshi at face mask dahilan para kumunot ang noo ko. "What's up with the get-up?" natatawa kong tanong habang nakacling ako sa braso niya.

"Baby hammie, I went to this school. They might freak out seeing me again with the same face after two decades." Pagpapaliwanag niya kaya napaawang nalang ang bibig ko at tumango-tango. Oo nga pala. Alumni pala si Tito Hoshi dito. And knowing that Team Alpha was popular in this school back then, some might still recognize him but might freak out because Tito Hoshi never aged.

Ngumiti ako at saka na kami dumiretso sa canteen.


Pagdating namin doon ay agad siyang umurder habang pinaupo niya ako at naghintay naman ako sa kanya. Pagbalik ni Tito Hoshi ay mahina akong natawa noong may isang tray siyang dala na puno ng pudding. Him and his love for puddings.


"Maraming bawal sa 'yo pero 'wag kang magsusumbong kay Seth. Baka ilibing na niya ako."
Aniya habang naglalapag ng fries at burger sa harap ko. Right, they never let me eat fast food kasi nakakasama raw sa akin. Well, there is a cheat day for everything.

Ngumiti kaagad ako at tumango-tango.


Tito Hoshi slowly took off his mask at saka na kumain. Nakatalikod naman siya sa mga estudyante kaya okay lang siguro na tinanggal na niya. "Bakit nga po pala kayo pumunta dito?" tanong ko habang kumakain kami. Hinayaan ko nalang ngumuya si Tito kasi puno pa ng pagkain ang bibig niya. He really never changed.

Ang dami niya kasing picture sa photobook ni Mommy at ganito palagi ang ayos niya. Eating like a hamster.

"I was bored. Tsaka nangangagat na naman ng pwet si Wolfie." Buti nalang at hindi ko pa naiinom ang juice ko at sigurong naibuga ko na ito dahil sa sinabi niya.


"Tsaka puro damo ang pinapakain sa amin ni Matthew."
Dagdag niya pa kaya tuluyan na akong natawa. Natawa narin siya habang kumakain. At habang tumatawa ako kay nahagip ng paningin ko si Lucas na naglalakad papasok ng canteen at as expected, pinagtinginan at pinagtilian siya ng mga babae.

Diretso lang ang lakad niya but he caught sight of me while I was laughing my heart out because of Tito Hoshi.


Nag-iwas siya ng tingin sa akin at bumili ng juice sa counter. Nagkibit-balikat nalang ako at binalik ang tingin ko kay Tito Hoshi na ubos na palang kainin ang mga pudding niya.

"You still wanna eat that?" tanong niya habang tinuturo ang pudding ko. Oh, right. One disadvantage of going out to lunch with Tito Hoshi is that he'll always have a bite of your food. Napangiti nalang ako at saka na binigay sa kanya ang pudding.

Midnight AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon