Chapter 41

6.4K 279 38
                                    

'The Time-traveller'


ZIA

"No! I'd rather embrace stuffed unicorns than darkness! Ano ba 'tong pinasok ko?" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Audin nung makapasok kami sa dorm at tsaka siya humiga dun sa sofa. Tumabi nalang si Atlas sa kanya at humiga naman si Audin sa hita niya at nagpatuloy sa pagngawa. Napairap nalang si Atlas pero hinayaan nalang siya.

Lumapit na ako sa kusina at binuksan ang fridge at nagsimulang magluto.


The team did their own businesses while Blu got a phone call from his parents and Lucas was still in a bad mood. He's worse than a girl on a period because of his mood swings.


"Hey, maglalaro kami."
Paalam ni Kuya Xy sa akin at tiningnan ko lang ang baseball bat na hawak niya. Tumango lang ako bilang sagot sa kanya. Hindi pa kasi binibigay ni Grandpa Storm sa amin ang nasasabing misyon namin dahil pinag-uusapan niya pa ito kasama sina Tita Miu.

I also think he's asking permission from Tita Keya and Tita Lorisse for this.


"Sama ako!"
Sigaw ni Audin at tumakbo pa at muntik pa siyang madapa dahil pinatid siya ni Wilder. Bakit ba ang laki ng galit ni Wilder sa batang 'to? Sinipa naman siya agad ni Audin bago sumunod si Audin kina Kuya Xy.

Audin jumped on Kuya Ash's back for a piggyback ride at tumawa-tawa pa siya. He really is a kid.


"Bakit ba pati bata pinapakialaman mo?"
Rinig kong tanong ni Shinshi habang naghihiwa ako ng patatas. Blu came in and peeled some potatoes so I could cut them quickly.


"Hindi naman bata 'yun! Tiyanak 'yun!"
Sigaw ni Wilder at hinampas na naman siya ni Shinshi. Napailing nalang ako. Ewan ko sa dalawang 'to. Tiningnan ko nalang si Archer na nandun sa dining table at nagbabasa ng magazines pero maya-maya ay bigla nalang bumagsak ang ulo niya sa mesa at dun ko nalamang tulog na pala siya.

Mahina nalang akong natawa sa kanya.


Umalis naman si Wilder dahil ang ingay raw ni Shinshi habang nanonood naman ng TV si Atlas.


"I wish you would pay attention to me too."
Agad akong napalingon kay Blu dahil sa sinabi niya at nakita kong tapos na pala niyang balatan ang mga patatas at nakapangalumbaba na siya sa kitchen counter. I just scrunched my nose and smiled at him.


"I'm always paying attention to you. Give chance to others."
Natatawa kong sabi at nakita kong agad na namula ang pisngi niya at napaubo siya kaagad.


"Ang haharot niyo!"
Sigaw sa amin ni Shinshi dun sa sala at agad akong natauhan. Teka, bakit ba bigla-bigla nalang lumalabas sa bibig ko 'yung mga salitang 'yun? Napayuko kaagad ako at tumikhim nalang at tsaka pinagpatuloy nalang ang pagluluto ko.

Mahina lang natawa si Blu sa akin at tsaka kinagat ang ibabang labi niya at sinabing sasali nalang siya kina Kuya Xy sa paglalaro ng baseball.


Tinapos ko nalang ang niluluto ko at tsaka na ginising si Archer. Agad naman siyang nagising at naguguluhan pang nakatingin sa akin nung naglapag ako ng pagkain sa harap niya. "Cooked only for Archer." Sabi ko kaya tumingin pa siya sa akin at tsaka sa pagkain at tsaka sa akin na naman.

I kept in mind what he said earlier. About no one cooking for him so I did it, I cooked for him.


Umangat naman ang gilid ng labi ni Archer at tsaka na tinikman 'yung niluto ko. "T-Thank you." Nabuga nalang ako ng hangin dahil sa sinabi niya. Nautal pa talaga siya. Tinapik ko nalang ang balikat niya at tsaka na nagdala ng bowl ng popcorn kina Atlas na nanonood ng TV.

Midnight AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon