Chapter 20

6.7K 282 32
                                    

'The Outside'


ZIA


"Hey, wake up."
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko dahil sa narinig ko. Tumingin ako sa paligid at agad akong napaupo nang malaman kong nasa kwarto ko na pala ako. My room, at our house, at the Alpha Village.

Nakita ko si Kuya Xy na siyang gumising sa akin.


"Why did you bring me here?"
tanong ko at umalis sa kama. Kuya Xy raised his hands and tried to approach me to calm me down pero tinabig ko ang kamay niya. "Zia, we heard about the attack kaya pumunta kaagad kami. I was so worried pero pagpunta namin doon, wala na ang mga Xions at tulog na tulog ka sa kama mo. You won't even wake up when we tried to wake you kaya dinala ka na namin dito." Pagpapaliwanag niya at galit akong tumingin sa kanya.


"I told you, ayoko nang bumalik dito."
My voice remained low because no matter how much I want to raise my voice, I can't.


"What were we supposed to do? Leave you in that place?"
tanong niya at tumango ako.


"Yes, that's what you're supposed to do. Leave me in that place, alone. Alam mo namang ayaw ko na dito. Ayokong makita ang sanhi ng ginawa ko!"
my voice began rising at sabay kami ni Kuya Xy na tumingin sa pinto nang bigla itong bumukas at pumasok si Wilder na gulat pang nakatingin sa akin.


"Gising ka na!"
aniya at lumapit sa akin. Wilder was about to hug me pero itinaas ko ang kamay ko para pigilan siya. Wilder was confused at what was happening dahil hindi niya alam kung bakit hindi siya makagalaw.

Tumingin muli ako kay Kuya Xy at saka ako napahawak sa ulo ko. Binitawan ko na si Wilder habang nakatingin parin si Kuya Xy sa akin.


"Stop it,"
I said when I knew that he was controlling me. As a demon, Kuya Xy has the ability to hurt others just by looking them in the eye. "Calm down." Mariing utos niya sa akin.


"Xy! What the hell?! Bakit mo sinasaktan si Zia?"
dumating sina Kuya Ash at hinawakan ang balikat ni Kuya Xy. Agad namang nawala ang sakit sa katawan ko kaya hinabol ko ang hininga ko at muling humiga sa kama.

Truth be told, I wasn't in pain.


I knew that he would be confused to know if his mind control won't work on me. Because just like how Wilder reacted to what I did to him, it felt like I shouldn't show them what I can do. They might be more afraid of me and call me a monster like those wardens did.

Napahawak ako sa ulo ko nAng dinalaw na naman ako ng antok. Ugh. Why am I always sleepy? I felt the comfort of my bed at babalik na sana ako sa tulog noong bigla nalang may yumakap sa akin at kasunod noon ang pag-iyak ni Celise.


"I-I'm sorry kung nasampal kita, Zia. Hindi ko sinasadya. I was so shocked at what happened to Mom at Dad. I never wanted to hurt you. Sorry na. Sorry na, Zia."
Minulat ko ang mga mata ko at tiningnan si Celise na parang bata na umiiyak sa harap ko. Huh, she cries like Tita Lorisse too. Umupo ako sa kama at tiningnan sila.


"I'm leaving,"
sambit ko at tumayo na pero agad namang lumapit si Wilder sa akin.


"Bakit ba gusto mong umalis? You're here! Your isolation is over. O baka naman nagustuhan mo na ang isolation mo kaya ayaw mo na dito?"
I looked at Wilder and then at his eyes. He was mad. Mahina akong natawa at tiningnan si Kuya Xy. Nakayuko siya habang nakapamulsa.


"You didn't tell them about my isolation, huh?"
tanong ko sa kanya kaya mas lalo siyang napayuko at sinapo pa ang mukha niya. Naguguluhan namang nakatingin sa akin sina Wilder at Kuya Ash. Even Celise who was still crying on my bed looked at me with a confused face.

Midnight AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon