Last Chapter

8.3K 298 225
                                    

[a/n: You're now at the last chapter for Midnight Angels. Kalma, may book 2 pa haha]

--

'Last Christmas'

Christmas. One of Zia's most awaited holidays. Where she gets to celebrate it with her family. Where she gets to be all cheesy and tell them how much she loves them and treasures them. Christmas, a day where it should be filled with warm feelings and warm welcomes.


"Tangina, DinDin! Ba't mo sinuot boxers ko?!"
Sigaw ni Wilder nung makita niya si Audin na naglalakad pababa ng hagdanan. Agad namang tiningnan ni Audin ang suot niya.

Natapunan kasi si Audin ng juice kaya kinailangan niyang magpalit ng damit.


"Ha? Boxers 'to? Akala ko shorts. Tsaka ang cute kasi. Peppa pig."
Nakangising sabi ni Audin at kinindatan pa si Wilder. Wilder's face reddened in embarrassment dahil buong pamilya at team niya ang nakakita ng boxers niyang Peppa pig ang design.

"Wow, Mr. Wilder the wildest wears Peppa pig boxers on his date nights." Panunukso nina Ash at Xy habang mas pinapakita naman ni Audin ang suot niya. "Magpalit ka na nga!" Sigaw ni Wilder kay Audin.

"Ano namang susuotin ko eh wala nang maliit dun?" Tanong ni Audin sa kanya at agad namang natigilan si Wilder sabay ngisi. "Walang talagang maliit. Malamang akin ang mga damit na 'yun. Malamang malaki lahat lalo na 'yung—"


"Anak, ipasuot mo nalang kay DinDin 'yung mga damit mo nung baby ka pa. Marami dun sa stock room."
Si Keya na ang pumigil ng kung ano na namang lalabas sa bibig ni Wilder. "Mom! Ayoko nga. Baka—"


"May problema tayo dito, tol?" Tanong ni Seth na kararating lang kaya agad na nawala ang ngiti nina Wilder at Xy. Xy immediately cowered away to help Dolly with the pasta at pilit na ngumiti si Wilder.


"W-Wala po, Tito. Sabi ko nga papahiramin ko ng damit 'tong tiyanak—este maharot—e-este cute ng batang 'to."
Nauutal na sabi ni Wilder at hinila na palayo si Audin. Bumalik naman ang lahat sa ginagawa nilang paghahanda para sa Christmas Eve.


"Aish! Zia!"
Agad na napalingon ang lahat sa gawi nina Zia at Lucas na naatasang magdecorate ng cake. Inis na nakatingin si Lucas kay Zia pero tumatawa lang si Zia dahil sa nagawa niya kay Lucas. Earlier, while they were decorating the cake, Zia spilled some icing on Lucas's polo.

Wala namang nagawa si Lucas at tinanggal nalang ang polo niya tsaka ito tinakip sa mukha ni Zia na tumatawa pa.


"Shut up, kitty cat."
Lucas said, not even afraid that he was surrounded by Zia's family.


"I'm sorry. Kukuha lang ako ng damit ni Kuya Xy."
Natatawang sabi ni Zia at umalis na habang dala-dala ang polo ni Lucas. "Hoy! Anong damit ko? Ibigay mo sa kanya 'yung luma na tsaka may punit sa kili-kili!" Sigaw ni Xy kaya hinampas naman siya ni Dolly.


"Kamusta pala 'yung sa inyo ni Lucas?"
Tanong ni Celise kay Chloe habang inaayos nila ang table setting. Nahuli kasi ni Celise si Chloe na nakatingin kina Lucas kanina nung sumigaw ito dahil kay Zia. "Ha? Anong sa amin?" Tanong ni Chloe.


"Diba nga nag-confess na siya sayo? May pa-kiss the back of your hand pa nga siyang ginawa."
Nakangiting sabi ni Celise at sandaling natigilan si Chloe at tsaka tipid na ngumiti.


"He's still my best friend, Celise."
Sagot ni Chloe habang naglalapag ng table napkins. Kumunot naman ang noo ni Celise. "Please elaborate." Natatawang sabi ni Celise sa kanya. Bumuntong-hininga lang si Chloe at hinigpitan ang hawak sa kutsara at tinidor na nasa kamay niya.

Midnight AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon