Chapter 44

6.4K 280 86
                                    

'The Food of the Dead'


ZIA

"Black pomegranate? May ganun ba?" Tanong ni Audin at tumingin sa amin.


"I'm surprised you even know what a pomegranate is, you dumb kid."
Agad na sinipa ni Audin si Wilder na nakatayo lang sa gilid niya. Wilder just hissed at bumaba na si Kuya Xy sabay tingin sa iba. He breathed out.

"Alright, suit up." Utos niya at isa-isa naman kaming pumunta sa mga kwarto namin. Sumabay sa akin sa paglalakad si Kuya Ash at hindi na ako umimik nung ginulo niya ang buhok ko bago siya pumasok sa kwarto niya. I quickly suited up pero saglit akong napahinto nung biglang sumakit ang ulo ko.

I hissed and bit my bottom lip.


"Sit this mission out. It's bad for us."
Kumunot agad ang noo ko dahil sa sinabi nito.

"What are you even talking about?" Tanong ko at sinuot na ang boots ko. "I'm just warning you because I live in this body too." 'Yun na ang huling sinabi niya at hindi na siya nag-ingay pa. Lumabas nalang ako sa kwarto ko at bumaba na at nakita ko si Audin na kinakain na 'yung dinala namin mula sa Alpha village.

Tumabi na ako sa kanya at tinikman rin ito at nakita kong naglalakad rin si Kuya Ash palapit sa amin. I just scooped a spoonful of it at tinapat ito sa labi niya. He just opened his mouth and ate it.


"Thanks, Zee."
Nakangiting sabi ni Kuya Ash sa akin at ngumiti lang ako sa kanya.


"Kaya pala inis na inis si Lucas at todo ingat si Blu kasi everybody's baby girl naman pala 'tong baby ko."
Sabi ni Audin kaya tumingin kaagad ako sa kanya. Ngumiti lang siya at binuka pa ang bibig niya, wanting me to feed him too and so I did.


"Ayiee~ mas sumasarap 'yung pagkain kapag ikaw nagbibigay."
Sambit ni Audin kaya natawa nalang ako at pinunasan ang gilid ng labi niya gamit ang tissue. Saktong kakababa naman ni Wilder at tumingin agad siya kay Audin. "In born na ba 'yang pagiging maharot mo?" Tanong ni Wilder kay Audin.

"E ikaw? In born na ba 'yang pagiging mayabang mo? Di porke't may abs ka akala mo lahat ng babae main-love na sa 'yo?" Sumbat ni Audin sa kanya.


"Damn right, everyone falls in love with the wildest."
Agad na sagot ni Wilder pero sinamaan lang siya ng tingin ni Audin.


"Itlog mo pink!"
Sigaw ni Audin bago siya tumakbo papunta kay Atlas na kakababa lang. Napaawang naman ang bibig ni Wilder.


"Hoy, ang bastos ng bibig mo ah!"
Sigaw ni Wilder at pupuntahan na sana si Audin kaya hinila ko nalang siya at sinubuan ng pagkain para tumahimik na. Naghintay na kami na makababa 'yung iba. Lucas went down with an annoyed look again and Blu also went down, looking at me but I avoided his gaze.

Huling bumaba sa amin si Shinshi na inaayos pa ang zipper ng suit niya at tinulungan nalang siya ni Atlas na i-zip ito.


"Nagmamake-up ka pa ba dun? Ba't ang tagal mo?"
Inis na tanong ni Wilder pero tiningnan lang siya ng masama ni Shinshi at hindi na ito umimik. Naglakad na kami papunta sa training site at nakita naming pinagtitinginan na naman kami ng mga estudyante ng UHT.

I guess they can't help it since we look like a rescue squad on the way to our mission, which is exactly what we're doing.


Pagdating namin sa training site ay nandun na si Grandpa Jez na humihikab pa pero agad siyang umayos ng tayo pagpasok namin. Umupo na kami sa mga upuan namin at sinapo ko lang ang noo ko dahil sumasakit na naman ang ulo ko.

Midnight AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon