Part 16

21.2K 628 25
                                    


"Woah. May chicks."

Kumunot ang noo ni Allen nang marinig ang komento na iyon mula sa isa sa mga lalaking dumadaan na ngayon sa harapan niya. Dumeretso siya ng tayo, itinaas ang mukha at balak tapunan ng matalim na tingin ang kung sino mang nagsalita. Pero natigilan siya nang mapatitig sa lalaking nakasuot ng faded jeans at chuck taylor na ngayon nakita na rin niyang naka-hooded jacket. Napasulyap din ito sa kaniya at napahinto sa paglalakad. Parehong nanlaki ang mga mata nila sa rekognisyon. Ang estrangherong walang paalam na yumakap sa kaniya!

"A – you. Anong ginagawa mo diyan?"

Tumaas ang kilay ni Allen nang marinig ang inis sa tono nito. Nainis tuloy siya. "Bawal ba?"

"Maangas ka miss ah," sabi ng isang lalaki na base sa boses ay siya ring tumawag sa kaniya kanina na 'chicks'. Matalim niya itong tiningnan. Magkasingtangkad lang sila kaya hindi siya nito maiintimidate.

"May mga lugar sa campus ang hindi mo dapat tinatambayan. This is our turf so you are safe here. Pero kapag ganitong pagabi na, iwasan mo ang mga sulok at tagong bahagi ng campus, miss. Maraming hindi estudyante ang pakalat-kalat dito," sabi naman ng isang lalaki na nakasuot ng baseball cap. Maangas ang tono pero mukhang mas may sense kausap kaysa sa iba.

Nagkibit balikat siya. Walang silbing makipagdaldalan sa mga lalaking hindi niya kilala kaya naglakad na siya at naunang nakalabas sa makitid na pathway na iyon. Pero may bigla siyang naalala kaya lumingon siya at tinitigan ang lalaking naka-hood. Pangalawang beses na nilang engkuwentro pero hindi pa rin niya makita masyado ang mukha nito.

"Oo nga pala. Anong nangyari sa mga lalaki noong orientation?"

Nagulat ang mga lalaki at napatingin sa naka-hood na nakatingin naman sa kaniya. "They were banned to enter any group. Sa gabing 'yon ko sila huling nakita at wala na akong pakielam kung ano na ang nangyari sa kanila," magaspang na sagot nito.

Tumango siya. Alam ni Allen na dapat na talaga siyang maglakad palayo. Alam niya na ito ang mga tipo ng lalaking dapat niyang iwasan. Pero hindi pa rin siya nakatiis na magsalita uli, "Bakit mo tinatakpan ang mukha mo?"

Humakbang ito palapit sa kaniya. "Gusto mong makita ang mukha ko?"

Napansin niya na hindi tuminag ang mga kasama nito at halatang manghang mangha na nanonood lang sa kanila. Itinaas niya ang noo. "Kapag nakikipag-usap ang isang tao, hindi ba tama lang na makita niya ang mukha ng kausap niya?"

Yumuko ang estranghero at isinuksok ang mga kamay sa bulsa ng jacket nito. Pagkatapos bigla itong humakbang hanggang magkadikit na ang dulo ng mga paa nila. Matangkad siya pero mas mataas sa kaniya ang estranghero ng siguro ay dalawang pulgada. Nagkaroon ng urge si Allen na umatras pero pinigilan niya ang sarili. In a battle of intimidation, she will not lose. "Kapag nakita mo ang mukha ko, maalala mo ba ako?" mahinang tanong nito kaya alam niyang siya lang ang nakarinig sa sinabi nito.

Kumunot ang noo niya. Bigla niyang naalala ang kislap ng rekognisyon sa mga mata nito noong unang gabi silang nagkita sa campus bago ito tumakbo para hindi mahuli ng guard. "Magkakilala ba tayo?" hindi nakatiis na tanong niya.

Mahina itong tumawa. He sounded bitter and hurt. Pagkatapos dahan-dahan itong nag-angat ng mukha hanggang magtama na ang kanilang mga paningin. "I can always recognize you at first sight, Allen. Pero ikaw, ang dali mo akong makalimutan."

Kumurap siya at pinakatitigan ang kabuuan ng mukha nito. Mula sa light brown nitong mga mata na pa-slat ang gilid na parang sa pusa at pinaresan ng mahahaba at makapal na pilik mata, papunta sa matangos nitong ilong, sa prominenteng cheeckbones, at pababa sa mapula at makurba nitong mga labi. Bumilis ang tibok ng puso ni Allen at umawang ang bibig niya nang unti-unti marealize niya kung sino ang lalaking kaharap niya.

"M-maki?" manghang bulong niya.

Umangat ang gilid ng mga labi nito at marahang tumango. Napanganga na naman siya at pinasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi na ito ang five years old na si Tisoy na itinuring niyang nakababatang kapatid at katabi niya palagi sa pagtulog. Hindi na rin ito ang labing isang taong gulang na binatilyo na naging matalik niyang kaibigan noon. He was no longer the boy from her memories – the only boy who ever held her hand and the only boy who ever made her cry.

"Allen."

Bumalik sa mukha nito ang tingin niya. Nakasuot pa rin ito ng hood kaya hindi niya pa matitigan ng maayos ang kabuuan nito. Kaya imbes na magsalita ay umangat ang mga kamay niya paloob sa hood, papunta sa magkabilang gilid ng ulo nito. His eyes widened when she pushed the hood away from his head until it fell backwards. Saka niya nakita na mahaba pala ang itim nitong buhok, hanggang batok. At na ngayong wala nang nakaharang ay mas lalo niyang nakita na oo, ito nga si Maki Frias. Because she had never seen a boy as beautiful as he is. Nag-iisa lang ang mukhang iyon.

Napunta sa magkabilang pisngi nito ang mga palad ni Allen. Uminit ang kanyang mga mata at parang nilalamutak ang puso niya. "Ikaw nga."

May dumaang emosyon sa mga mata nito. Gumalaw ang mga braso nito na para bang balak siyang hawakan o yakapin. Pero bago pa nito magawa iyon ay biglang nagsalita ang isa sa mga kasama nito.

"Em, ma le-late na tayo sa meeting."

Kumurap si Maki at biglang nawala ang init at pagsuyo sa titig nito. Para siyang sinuntok sa sikmura nang maging malamig at galit ang mga mata nito. Para bang bigla itong nagsuot ng maskara at nawala ang lalaking kilala niya, napalitan ng isang malupit na estranghero. Mabilis itong humakbang paatras sa kaniya kaya kahit ayaw niya nabitawan niya ang mukha nito. Ibinalik nito sa ulo ang hood at iniwas ang tingin sa kaniya. "Don't linger in places like this," sabi nito bago bumaling sa mga kasama. "Let's go."

Mabilis na naglakad palayo sa kaniya ang mga ito. Ibinuka ni Allen ang bibig para sana tawagin si Maki pero tumunog na ang cellphone niya. Dinukot niya ang gadget sa bulsa at napangiwi siya kasi ka-grupo niya ang tumatawag. Nag-angat siya ng tingin at nalaglag ang mga balikat kasi sandali lang siyang nalingat ay nawala na sina Maki.

Tumutunog pa rin ang cellphone niya kaya pabuntong hiningang sinagot niya iyon. "Papunta na ako sa library."

Habang naglalakad siya, lutang pa rin ang isip niya. Ibang iba na si Maki kaysa sa pagkakatanda niya. Ngayon lang niya nakita ang ganoong klase ng bitterness at kalamigan sa mga mata nito. Ngayon lang niya naramdaman na para bang may pigil itong galit sa loob na delikado kapag pinakawalan nito. Anong nangyari sa binata sa loob ng lampas apat na taon? Why does he looks and feels like a complete stranger?

Anong nangyari, Maki? What made you who you are now?

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon