Part 70

25.3K 810 103
                                    


Nakadaong na sa gilid ng kung saang pantalan ang bangka nang muli siyang magising. Nakahiga siya sa sementadong kalsada, nanginginig sa lamig. Bumangon siya, sumiksik sa gilid ng isa sa mga higanteng kahon na nasa paligid. Sa harapan niya may mga lalaking mabilis na nag-uusap sa chinese. Nagtatalo ang mga ito tungkol sa kulang na pagpaplano. At na wala raw mapagtataguan para sa kaniya. At na baka may nakaalam nang kinuha siya at may humahabol na sa mga ito. May binanggit na kidnap at ransom at pagpatay. Natakot siya, humikbi, na naging malakas na iyak. Gulat na napalingon sa kaniya ang mga lalaki. Nagkaroon ng espasyo at kaunting liwanag kaya nakita niyang may kausap din palang babae ang mga ito.

"Baomu," tawag niya sa yaya niya.

"Bi zui!" mahina pero matalim na pagpapatahimik sa kaniya ng babae. Pero lalo lang siyang napaiyak. Kasi ngayon lang niya nalaman na masama pala ang taong itinuring niyang pangalawang ina. Nilingon nito ang mga lalaki at inutos na patahimikin siya. Lumapit sa kaniya ang mga ito, galit na pinagsisipa at sampal siya. Kahit nang mapaos siya sa kakaiyak at kakasigaw na tama na ay hindi tumigil ang mga ito.

Huminto lang sa pananakit sa kaniya ang mga lalaki nang may pumito mula sa di kalayuan na sinundan ng pagsigaw ng kung sino, tinatanong kung sino ang mga lalaki at anong ginagawa roon. Nataranta ang mga ito at lumapit sa babae. Sinamantala niya na wala sa kaniya ang atensiyon ng lahat. Pinilit niyang bumangon at saka tumakbo palayo. Narinig niyang nagsigawan ang mga ito at hinabol siya.

Ilang beses siyang nadapa, ilang beses nagasgas, pero bumabangon siya at nagpapatuloy sa pagtakbo. Natakot siya nang maramdamang maabutan na siya ng mga ito. Sumiksik siya sa pagitan ng mga higanteng kahon at nang lumusot ay may nakita siyang nakabukas. Kaya pumasok siya roon, sumiksik sa pinakadulo at doon nagtago. Narinig niya ang mga yabang ng mga ito nang dumaan sa labas ng pinagtataguan niya, sandaling huminto, nag-usap at saka tumakbo uli palayo.

Matagal siyang nanatiling nakasiksik doon. Nang tumayo siya para lumabas bigla naman may nagsara ng pinto. Pagkatapos biglang gumalaw ang pinagtataguan niya at natumba siya paupo. Natakot siya, sisigaw sana pero natakot din na baka malaman ng mga humahabol sa kaniya na naroon siya. Kaya niyakap niya ang sarili at tahimik na umiyak, tinatawag sa isip ang kanyang mamma, humihiling na sana iligtas siya nito, na umuwi na ito at huwag siya hayaang mag-isa.

Matagal siyang nakulong sa kadiliman. Sumakit na ang tiyan niya sa gutom at matinding uhaw. Palagi siyang nakakatulog pero hindi siya nananaginip. Nanghina siya ng husto at hindi na tumitinag sa pagkakahiga. Everything is so dark. Nang akala niya hindi na talaga niya kakayanin, biglang gumalaw ang box kung nasaan siya. Para bang umangat iyon at biglang ibinaba uli. Ilang beses na dumulas ang katawan niya at nabagsakan pa siya ng mga kahon na nasa loob. Nauntog pa siya ng paulit-ulit bago naging kalmado uli ang lahat.

Pero hindi iyon nagtagal. Sandali lang kasi narinig na niya ang maraming boses mula sa labas. Natakot siya na baka masasamang tao na naman ang mga iyon at gagawan siya ng hindi maganda. Pinilit niyang bumangon at sumiksik sa isang sulok. Hanggang bumukas ang pinto at masilaw siya ng liwanag galing sa labas. Lumakas ang ingay. Ang daming tao na sumilip sa loob at lalong nagkaingay nang makita siya. Matagal na para bang walang gusto lumapit sa kaniya.

Hanggang may isang lalaki ang pumasok sa loob at naglakad palapit sa kaniya. Lalo siya sumiksik sa sulok nang tumalungko ito sa harapan niya. Umangat ang kamay nito at mariin siyang napapikit kasi alam niya na sasaktan siya nito. Pero hindi iyon nangyari. Sa halip isang masuyong haplos sa ulo niya ang naramdaman niya. Unti-unti siyang dumilat at nagulat siya kasi sobrang lambot at bait ng facial expression ng lalaki. Para pa ngang maiiyak ito.

"Ligtas ka na. Huwag ka matakot. Ligtas ka na."

Hindi niya naintindihan ang sinasabi nito pero unti-unti siya nakalma. Nang ipaikot nito ang mga braso sa katawan niya at buhatin siya ay hindi siya nagpumiglas. Kumapit lang siya rito at isinubsob ang mukha sa leeg nito. Magaan na tinapik nito ang likod niya. His hand is huge but warm and soothing. It reminds him of a hand that used to touch him with affection and a soft, loving voice that whispers, ti amo.

Kumirot ang puso niya at napaiyak siya. Kasi kahit anong pilit niya, hindi na niya maalala kung kanino ang kamay at boses na iyon. Ang natira na lang ay ang alaala ng isang amoy. The smell of a home he will always long for throughout his life but can't quite understand why.

Pero ngayon, naamoy niya iyon uli. That familiar scent that makes his heart ache yet fills his whole being with love and contentment; a sense of belonging. Kasunod niyon ang masuyong haplos sa mukha niya ng pamilyar na kamay. Unti-unti lumabo ang imahe ng kanyang panaginip. Hanggang maging aware na siya sa mahihinang boses sa paligid. At na bukod sa humahaplos sa mukha niya ay may dalawa pang kamay na mahigpit na nakahawak sa kamay niya.

Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Isang magandang mukha ang nakita niya. The face of the woman he loves. Nanlaki ang mga mata nito, ngumiti pero umiiyak din. "Maki. Gising ka na. Thank God," paulit-ulit na sabi ni Allen.

Kumirot ang puso niya na umiiyak na naman ito dahil sa kaniya. Pero masaya rin siya na nakita niya uli ang mukha nito. Na buhay siya. Na matutupad pa rin niya ang pangako niya rito na hindi na siya mawawala pa sa tabi nito.

Pagkatapos nalipat ang tingin niya sa isa pang tao na nasa tabi niya at tahimik na umiiyak. May bumara sa lalamunan niya nang magtama ang mga paningin nila. Kilala niya ang mukha na iyon. In his dream, she looks young and beautiful. Ngayon maganda pa rin ito pero binago at pinatanda na ng maraming taon ang mukha nito. Masuyo nitong hinahaplos ang pisngi niya.

Ngumiti siya, inangat ang kamay na hindi hawak ni Allen at pinahid ang luha ng matandang babae. "Non riesco a sopportarlo, mamma."

Nanlaki ang mga mata nito, umawang ang mga labi at huminto ang kamay sa paghaplos sa kaniya.

"Don't cry. I don't want to see you suffering," ulit niya sa mahinang tinig. "You have suffered enough. Alam mo kung sino ako umpisa pa lang, 'di ba? But I said something mean about my biological mother so you lost the courage to tell me. That's why you legally adopted me even though I'm too old to get adopted. Mi spiace, mamma. Sorry na ngayon ko lang naalala ang lahat."

Humikbi si Matilda, umiling-iling at saka siya pinupog ng halik. "It's okay. It's okay." Maingat na niyakap nito ang ulo niya kaya nasubsob siya sa dibdib nito. "I don't care if you didn't remember. I am happy enough to be your mother for the past nine years. It's enough, il figlio, my treasure, my Nathaniel."

Pumikit si Maki at pabuntong hiningang ngumiti nang marinig ang birth name niya. Kasabay ng pagbalik ng alaala at pangalan na iyon, parang may nawawalang piraso ng isang puzzle siyang nahawakan, ang huling piraso na sa wakas nagpabuo sa kaniya.

This is the sense of belonging he had been longing for all these years. Yakap ng kanyang ina. At kahit gaano pa kahabang panahon ang lumipas, kahit hindi na siya ang batang lalaki na ipinanganak at lumaki sa isang tahimik na village sa Hongkong, kahit ilang beses na siya muntik na mamatay, kahit na nakakilala na siya ng isang babaeng gusto niya makasama habambuhay, ang pagmamahal na nararamdaman niya sa yakap na ito, hindi pa rin niya ipagpapalit kahit kailan.

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon