Part 43

20.9K 592 12
                                    

NANGINGINIG pa rin ang buong katawan ni Allen nang pumasok siya sa teachers' locker room. Ni-lock niya ang pinto at nanghihinang sumandal doon. Mariin siyang pumikit at paulit-ulit na huminga ng malalim para kalmahin ang sarili. Pero walang epekto. Tensiyonado pa rin siya at nakababa ang kanyang depensa. Hindi pa rin niya makontrol ang emosyon niya.

Kanina habang naglalakad siya alam niyang nakasunod sa kaniya ang dalawang co-teachers niya pero binilisan niya ang lakad para hindi siya maabutan ng mga ito. Hindi pa kasi siya handang sagutin ang mga tanong na alam niyang ibabato ng mga ito sa kaniya. Katunayan, hindi niya alam kung darating ba ang araw na magiging handa siya ikuwento sa ibang tao ang mga napagdaanan niya sa buhay. Lalo na ang tungkol kay Maki Frias.

Nine years. Ganoon katagal mula nang mawala itong parang bula sa buhay niya sa pangatlong pagkakataon. Ganoon katagal mula nang hindi na naman ito tumupad sa pangako at iwan na naman siyang nag-iisa. Ni hindi nito naisip bisitahin man lang ang burol ng papa niya. Ni hindi nagpasabi para lang alam niya kung okay ba ito, kung buhay pa ba ito o kung ano pa man. Kung alam lang nito kung gaano siya ka-worried nang bumisita siya sa police station at malaman na wala na ito roon at inilabas ng mga taong hindi niya kilala. Kung alam lang nito kung gaano katinding kalungkutan at pagdurusa ang naranasan niya sa mga sumunod na araw, linggo, buwan at mga taon. If he only knew how that one rainy day changed her life, he will not just suddenly show up as if nine years didn't pass by.

"Allen? Okay ka lang ba?" tanong ni Nina sabay katok sa pinto ng locker room.

Dumilat siya at sa pilit pinakalmang boses ay sinabing okay lang siya. "Magpapalit lang ako ng damit. Malapit na ang session ng mga bata."

Matagal na hindi nagsalita si Nina mula sa labas ng locker room pero hindi niya narinig ang palayong hakbang nito kaya sigurado siyang nakatayo pa rin ito sa labas. Huminga siya ng malalim at umasang maayos na ang facial expression niya bago binuksan ang pinto. "May sasabihin ka pa?" malumanay na tanong niya.

Tipid na ngumiti si Nina, halatang naiilang. "Eh kasi... 'yung lalaking kausap mo kanina, nandito pa rin. Sabi ni Mr. Kim, siya raw 'yung nagsabing magdo-donate ng TV para sa mga bata. Tapos mag o-observe daw 'yung lalaki sa class mo."

Napanganga si Allen. Bigla gusto niyang magkulong na lang sa locker room o kaya tumakbo palabas ng studio at bukas na lang bumalik kapag wala na si Maki. Pero natutunan niya sa siyam na taong pag-iisa na hindi siya puwedeng maging duwag at mahina. There are people who will take advantage of you once you show them your weaknesses so you have to be tough. Kahit panlabas lang. Bukod sa masyado niyang mahal ang mga estudyante niya para iwan ang mga ito.

"Ex mo ba 'yon?" tanong ni Nina.

Mag-ex nga ba sila ni Maki kung wala pa ngang napuntahan ang 'relasyon' nila noong college sila? Sapat bang description ang 'Ex' para sa naging papel ng binata sa buhay niya? She doesn't think so and she doesn't want to explain it either. Kaya nagkibit balikat na lang si Allen. Mukhang nakaramdam naman si Nina kasi nagpaalam na ito at umalis. Isinara niya uli ang pinto ng locker room at mabagal na nagpalit ng jogging pants at white t-shirt na may naka-print na Mr. Kim Martial Arts Studio sa harapan.

Bago siya makalabas sa locker room ay napasulyap siya sa salamin na nakadikit sa isang part ng pader. Wala sa loob na napahawak siya sa maiksing maiksing buhok niya. Mas maiksi pa kaysa noong elementary student siya. Mas matangkad pa rin siya kaysa normal na babae. Balingkinitan ang katawan niya. Hindi payat pero hindi rin mataba. Toned at ma-muscle. Wala ring kurba ang katawan niya at kahit twenty seven years old na siya ngayon, halos flat chested pa rin siya. Never din siya gumamit ng make-up. Polbo lang. So no matter how she stares at her reflection she looks like a teenage boy. Tatlong taon ang nakararaan, narealize niya na mas safe ang ganitong hitsura. Mas nakampante at naging komportable siya nang burahin niya ang bakas ng femininity sa pagkatao niya. And she wants to remain like this. She wants to remain safe inside her comfort zone.

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon