Part 34

20.8K 519 26
                                    


Matalim na tingin ang sagot niya sa mga sinabi nito. Nagkibit balikat si Shannon, ngumisi at nag flying kiss pa bago siya iniwan. Mariing pumikit si Maki at paulit-ulit na huminga ng malalim para kalmahin ang sarili. Hindi siya puwedeng sumuko. Hindi siya puwede magpadala sa frustration at pagrerebelde. Kailangan niya mag-isip. Sisiguruhin niyang makukuha niya ang kalayaan na gusto niya. Kung pera ang pamantayan ni Joey Angeles ng independence, kahit hindi siya sang-ayon kailangan niyang sumunod sa rule nito. He will get the money. Sa kahit anong paraan.

Biglang tumunog ang cellphone niya. Alert tone kapag may natatanggap siyang email. Napadilat siya at may naalala. Mabilis niyang dinukot ang gadget sa bulsa niya at binuksan ang email na ginagamit niya kapag gusto niya maging anonymous. Bumilis ang tibok ng puso niya at nagkaroon siya ng pag-asa nang makitang hindi pa nga niya binubura ang mga email na ilang beses na niya natatanggap mula sa administrators ng online group kung saan siya miyembro. They needed a black hacker and they have been inviting him to join since last year. Palagi siya tumatanggi kasi hangga't maaari ayaw niya ma-involve sa isang large scale illegal activity. Pero malaking halaga ang kapalit ng serbisyong hinihingi ng mga ito. More than enough to buy his freedom.

Sandali siyang nag-isip. Pagkatapos determinadong sumagot sa isa sa mga email. Huminga siya ng malalim at humigpit ang hawak sa cellphone. Wala nang atrasan 'to.

WORRIED si Allen. Ilang araw na niya hindi nakikita sa university campus si Maki. Tumawag lang ito sa kaniya isang gabi para sabihin na may kailangan itong gawin at hindi muna sila magkikita. Akala niya may project lang ito sa kung anong subject. Akala niya hindi lang sila puwede mag spend ng time together pero magkakasalubong pa rin sila sa campus kahit papaano.

Mali pala siya. Kasi pagkatapos ng tawag na iyon hindi na niya nakita kahit anino lang ng binata sa loob at labas ng campus. Pagpunta rin niya sa computer laboratory para sa klase nila, sinilip niya ang naunang class at naglakas loob na magtanong sa professor nito. Absent si Maki. Sinubukan niya ito i-text at tawagan. Noong una, nag ri-ring lang ang cellphone nito pero walang sumasagot. Sa sumunod na araw, out of coverage area na ito.

Kaya nang dumating ang araw na alam niyang may P.E class ito ay hinila niya si Carla papunta sa tennis court. Lalong nataranta si Allen kasi absent din ang binata sa klase na iyon. Pero nakita niya ang lalaking palagi nitong kasama. Sa pagkakatanda niya sa mga kuwento ni Maki, Peter ang pangalan ng lalaki.

"Allen, kung wala siya diyan, umuwi na tayo," reklamo ni Carla nang sabihin niya rito na kakausapin niya si Peter.

"Magtatanong lang ako sandali. Kung gusto mo hintayin mo na lang ako rito, ha?" Bago pa siya mapigilan ng kaibigan ay mabilis na siyang nagpunta sa tennis court. Ilag ang mga kaklase nito kaya nakalapit siya agad kay Peter na halatang nagulat nang makita siya. "Alam mo ba kung nasaan si Maki?" walang pasakalyeng tanong niya.

Sandali itong napatitig sa kaniya bago sumagot. "What a coincidence. Hinahanap din namin siya. He's neglecting his duty in our group so the officers are getting angry at him."

Naningkit ang mga mata ni Allen. "Nagsasabi ka ng totoo? Talagang hindi mo alam kung nasaan siya?"

Tumaas ang mga kilay ni Peter. "Miss, mula nang dumating ka sa buhay niya halos hindi ko na siya nakakasama. Hindi na rin siya sumusulpot sa tambayan. Marami siyang reponsibilidad sa grupo namin na hindi na niya nagagawa. Sa'yo ko nga siya dapat hinahanap eh."

Nalaglag ang mga balikat ni Allen. Kung hindi nagpapakita sa fraternity si Maki, nasaan ito?

"Well, kapag nakita mo siya sabihin mo na malaki ang atraso niya sa officers namin. At na mag-ingat siya. The higher ups are cruel to the rule breakers," seryosong sabi ni Peter. Nang magtama ang mga paningin nila, nakita niya ang pag-aalala sa mga mata nito. "Mahirap pumasok sa fraternity namin. Pero mas mahirap lumabas. Kapag hindi pa siya nagpakita, iisipin ng mga nakatataas na gusto na niyang kumalas sa amin. They will not take it lightly. So tell him to be careful." Tinanguan siya nito bilang pamamaalam at saka naglakad palayo.

Kinabahan na talaga si Allen. Nasaan ba talaga si Maki?

HANGGANG pagsapit ng gabi ay hindi siya mapakali. Nagdesisyon siyang hintayin dumating ang kanyang ama para sabihin ang tungkol sa pagkawala ng binata. Binuksan niya ang TV para kahit papaano ma-distract siya habang naghihintay. News program ang palabas. Sa dami ng mga ibinabalita, isa lang sa mga iyon ang nakakuha sa atensiyon ni Allen.

Isang kilalang bangko ang na-hack ang computer system. Hinihinalang nakuha ng mga hacker ang personal data ng libo-libong kliyente ng bangko. Dahil doon naka-lock down ang lahat ng ATM at online websites ng bangko kaya hindi puwedeng gumawa ng kahit anong transactions. Walang ninakaw na pera kaya inaalam pa ang motibo ng mga salarin na hindi pa rin nakikilala hanggang ngayon. Ayon sa official statement ng St. Clair Holdings International na siyang parent company ng bangko na iyon, nakikipagtulungan na raw ang kanilang private cyber security department sa mga pulis para mahuli ang nag-infiltrate na hacker sa kanilang system. Hindi raw titigil ang mga ito hangga't hindi nasisiguro na ligtas ang personal information ng mga kliyente at maparusahan ang salarin.

Kung hindi lang nakilala ni Allen si Maki, never siya magiging interesado sa mga bagay na may kinalaman sa computer at technology. Ngayon sa tuwing may nababasa o napapanood na tungkol sa ganoong paksa ay ang binata ang naalala niya. Pero bakit parang iba ang kaba niya sa balitang nasa tv ngayon?

Nawala sa news report ang atensiyon niya nang bumukas ang pinto ng apartment. Dumating na ang kanyang ama. Pinatay niya ang tv at agad na lumapit dito. Alam niya ngingiti sana ang papa niya at masigla siyang babatiin. Pero mukhang nakita agad nito sa facial expression niya na may problema siya.

"Allen? What's wrong?" nakakunot ang noo na tanong nito.

"Si Maki po kasi." Huminga siya ng malalim at sinabi rito ang sitwasyon. Namutla ang papa niya. Halatang nag-aalala na rin ito pero pilit na pinapakalma ang sarili. Ganoon din ang ginawa niya. Sinubukan nilang tawagan pareho ang cellphone ng binata pero out of coverage area pa rin iyon.

"Nasabi niya ba sa'yo kung saan nakatira ang foster family niya?"

Umiling si Allen. "Ang alam ko lang po Shannon ang pangalan ng anak na babae ng foster parents niya. Nasa ospital ang nanay at may posisyon daw sa PNP ang tatay pero hindi ko alam ang first name. Pero Angeles ang apelyido."

Tumango ang papa niya. "Okay." Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya at tinitigan ang mukha niya. "Iiwan kita rito. Babalik ako sa police station. Makikita ko sa files kung sino ang Angeles na may posisyon sa PNP. Kapag hindi ako tumawag bago mag alas dose mag lock ka na ng pinto at matulog kasi may pasok ka bukas."

"Papa, sa tingin mo kaya may nangyaring masama kay Maki? Naaksidente ba siya o na-kidnap o na-involve sa kung anong gulo?" worried na tanong niya.

"Don't worry. Sisiguruhin kong makikita ko siya. Anak ko na rin siya, Allen. Ayokong mapahamak siya. Basta ako na ang bahala. Aalis na ako, okay?"

Niyakap siya ng kanyang ama. Gumanti siya ng mahigpit na yakap at nakapikit na isinubsob ang mukha sa dibdib nito. Huminga siya ng malalim at unti-unting narelax. Kahit kailan talaga, kumakalma siya at nararamdaman niyang safe siya kapag yakap siya ng papa niya at napapalibutan siya ng pamilyar na amoy nito. Kahit na ngayon na may Maki na siya, hindi magbabago ang role ng kanyang ama sa buhay niya. Her father is her home and her protector. The first man she ever loved.

"Salamat at nandito ka, papa. I love you," bulong niya.

Humigpit ang yakap nito sa kaniya. Naramdaman niyang hinalikan nito ang ulo niya. "I love you too, Allen."

Mayamaya pa naghiwalay na sila. Nginitian siya ng kanyang ama at hinaplos ang buhok niya. "Good night and don't worry. Bukas lang, makikita na natin si Maki. Ako pa ba?"

Napangiti siya. "Ikaw pa ba?" ganting sabi niya. Hinalikan niya ito sa pisngi at hinatid sa labas ng apartment. Sumaludo ito sa kaniya bago mabilis na naglakad palayo. Huminga siya ng malalim bago bumalik sa loob at nag lock ng pinto.

Bagomatulog tinawagan niya uli ang cellphone ni Maki. Operator pa rin talaga angnagsasalita. Kaya mariin siyang pumikit at taimtim na nagdasal na sana kungnasaan man ito ay okay lang ito.

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon